NO way...
Hindi naman siguro siya nandito para sunduin si Coach Lare? Nagkataon lang naman siguro na nagkita kami at... At... At hindi ko na alam!
"Kung siguro itinakbo mo 'yong oras ng pag-iisip mo ng kung ano-ano nakarating ka na sa kaniya." Malamig na aniya.
"Tsk. Kahit kailan talaga napaka-cold mo." Wala akong choice na kumaripas ng takbo pero sandali akong bumalik sa pinanggalingan ko para hatakin si Rina na tulala sa grim reaper na 'yon. "Dapat matakot ka sa kaniya at hindi ma-amaze sa kagwapuhan no'n."
Kumalas siya sa akin at kusang sumabay sa akin sa pagtakbo. "Ang bitter mo, hindi ka lang pinapansin."
Isang hampas sa ulo ang ibinigay ko sa kaniya. "Kung ipatikim ko kaya sa 'yo ang lamig ng kamatayan?"
Dumistansya siya akin at hindi na ako nakuhang titigan pa. "No thanks."
Papatulan ko pa dapat siya kung hindi lang kami nakarating sa kinaroroonan ni Coach. Nasa likod niya kami habang nakaupo siya sa lupa at nakatayo sa harapan niya ang dalawang lalaki at isang babae.
"Ako na sa dalawang lalaki, doon ka sa babae." Nakahakbang na ang isang paa ko nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. "Ano na naman?"
"Sinong babae? 'Yang nakaupo?" Naguguluhang aniya.
Pilit akong napangiti at walang ganang tinuro ang babae na saktong nakatingin sa akin. "Sobrang puti niya para hindi mo siya makita."
I just realized na nasa likod kami ng school at wala gaanong tao na dumaraan pero maraming nakasinding ilaw. May mga pagkakataon din na may umiikot na tanod dito, suwerte na lang kung may dumaan ngayon bago ko mapuruhan ang dalawa.
Parang mangiyak na umiling si Rina sa akin. "Dalawa lang sila, wala akong nakikitang babae."
Kung kanina atat akong sugurin ang dalawa kahit pa na aware ako na wala akong laban sa kanila, tumayo na ako nang tuwid at pinapanood sila sa pambabastos kay Coach.
"Is this a kind of a joke ng Earth? Talaga bang may ganitong pangyayari sa mundo o sadyang baliktad at hindi ko lang maintindihan ang mundo?" Dismayadong tanong ko sa kawalan. "May tao na hindi nakakakita ng ghost at may ghost na hindi nakakakita ng tao? Kung iisipin isa 'yong malaking absurd."
"Not a joke, hindi ko rin nakikita ang tinutukoy mo." Ani Ronn na kararating lang at tumabi sa akin. "Pero mukhang nakikita niya?"
Nakatingin sa likuran ko si Ronn at saka ko lang nakilala nang huminto ito sa kabilang gilid ko, ang grim reaper. Bigla akong kinabahan sa lamig ng presensiya nito. Si Rina ay tumapat sa kabilang gilid ni Ronn.
"Tama siya, nakikita ko ang babae." Sagot ni hindi ko pa nilalabas sa bibig ko ang tanong. "Para din sa kaalaman mo, siya ang susundin ko at hindi itong chalk."
"Chalk?" Malaking question mark ang gumuhit sa pagmumukha naming tatlo na nakarinig.
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
МистикаSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...