"HUWAG mong pilitin!"
"Head voice, puro ka chest voice! Napaka-plain!"
"Hail, kung hindi mo alam 'yong chords magtanong ka!"
"Gosh. This is irritating."
"Hanggang ngayon mabagal ka pa rin magbasa ng nota!"
Nakatayo at nakasandal ang likod ko sa pinto ng entrance, pinapanood ko ang mga students ko na kanina pa nagsisigawan. Hindi ko talaga makitaan ng liwanag ang pagsigaw para matuto ang isang tao.
Kinalabit ako sa binti ni Rina since nakaupo siya sa tabi ko. "Hindi mo ba aawatin 'yang mga students mo?"
Hindi ako nag-abalang sumagot, inoobserbahan ko pa sila.
"Bakit naman kasi ginawang leader ang mga bully, kung hindi ba naman sira ang ulo mo," mahinang boses ani Ronn na nasa harap ko nakaupo.
Akmang tutuhurin ko ito nang magtama ang mata namin ni Mels, nagtangka siyang hampasin sa ulo ang kaklase niya na mahina sa music, buti at alam na niya agad ang meaning ng titig ko kaya peke siyang ngumiti at pumunta na sa ibang kaklase niya.
Pasensiya ang itinuturo ko sa kanila at Professionalism. Kung hindi nila matututuhan o maipapakita 'yon, private lesson ang gagawin ko sa mga bullies at hindi nila gugustuhin iyon panigurado.
One thing, gusto kong ma-realize nila na you can be mad nang hindi nananakit, this is the step. Kahit puro sigaw ang natatanggap ng mga kaklase nila sa kanila that would be fine, pagpasok nila sa reality after ng college days nila, mas malala pa ang ma-e-encounter nila. Training na nila 'to pareho.
"Kahit kailan talaga hindi ko nakikitaan ng interest ang music." Ani Ronn na ngayo'y pinaglalaruan ang sintas ng sapatos. "Mas nakakalula pa sa math ang symbols na nakikita ko."
"Kung may boses lang din ang music, I mean kung nagkataon na may sariling pag-iisip ito at magdesisyon sa pagpili ng students malamang maski pagsagi sa isipin nito hindi ka papasok. Sintunado ka, mas magiging choosy ang music pagdating sa 'yo for sure."
Napalingon sa kaniya si Ronn at sa halip na ipakita ang inis ay humagighik siya at umayos sa pagkakaupo. "Nah, kung may voice ang music and may kakayahang pumili ng students? Kahit ikaw na lang sa mundo ang may interest ay baka mas piliin at pilitin pa ako nito kaysa ang piliin ka na parang niyuyuping lata ang boses."
"Really? 'Yan na lang ang capacity ng brain mo sa pag-atake sa akin?" Nagsisimula nang uminit hindi lang ang ulo kung 'di maging ang awra ni Rina.
"Huh? Pinantayan ko lang ang level mo." Boring na sagot ni Ronn.
Tumikhim ako para hindi matuloy ang sabungan ng dalawa. "Kung wala lang mata na nakatingin sa akin baka kanina niyo pa narating 'yong mundo na kinaka-curious niyo."
"Ito kasi eh."
"Ba't ako, ikaw ang nauna."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...