"THAT'S my body, I must wake-up." Rinig kong bulong sa hangin ng lalaking pinatay ni Anda.
Hindi ko mapigilang paigtingin ang pangang lumingon sa kaniya, gusto ko siyang sisihin pero ba't may awa akong nararamdaman para sa kaniya. "Ni hindi mo deserve mamatay sa ganoong paraan."
Nakatayo lang siya sa gilid na pinagmamasdan ang sariling katawan, naramdaman ko na lang ang pagkunot ng noo ko sa hindi mapakaling paggalaw ng mga mata ko. Para bang may hinahanap ang mga ito, mula ulo hanggang paa ay paulit-ulit kong inoobserbahan ang kaluluwa niya.
Nilingon ko si Anda at mas nilapitan para pagmasdan nang malapitan. Kumalma man siya ay maitim pa rin ang mga mata niya sa bangkay ng lalaki. Nagawa naman niya ang gusto niya pero bakit parang hindi pa siya satisfied? May hindi talaga tamang nangyayari.
"Bakit gano'n, wala na ang kamay n'ya sa dibdib ng lalaki pero para bang nakasawsaw pa rin ang kamay niya sa dugo." Nag-aalalang nakatitig ang mama ni Anda sa kamay niya.
Halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa kaluluwa ng lalaki. "Right. Alam ko na kung ano ang hinahanap ng mga mata ko."
"Ano na ang mangyayari sa kaniya, Ms. Enney, nakapatay ang anak namin." Bakas sa boses ni Mr. Salid ang pagkabigo.
"After ba nito ay mamamatay siya at kukunin ng itim na karma o ng grim reaper ang kaluluwa niya?" Tanong ni Mrs. Salid.
Hindi ko sila pinansin at nilapitan ang bangkay, inalis ko ang kaninang pinangtaklob ko rito na half body lang ang natakpan. Gamit ang paa ay sinigurado ko na walang butas sa dibdib at hinanap kung saan galing ang dugo para pagkamalang may ginawa sa kaniya si Anda. Binalik ko ang mata sa kaluluwa nito at agad na binalikan si Anda para kunin ang kamay na duguan at suriin.
"Kanina ka pa hindi mapakali, Enney. May iba pa bang ginawa si Anda sa kaniya?" sa akin lang nakatingin si Mrs. Salid para hintayin ang sagot ko.
Natanggal ang tinik sa dibdib ko nang makumpirma ang nasa isip. "Siya po ang may ginawa kay Anda." Hinarap ko sa kanila ang palad ni Anda na may hiwa. "Pagtangkaan din siyang patayin ng lalaking iyon. Kaya pala walang bakas sa dibdib niya, isang oras bago dapat luminis ang itsura ng kaluluwa sa kung paano niya iniwan ang mundo."
"Pero bakit parang may bumabagabag pa rin sa 'yo?"
Nakipagtitigan ako sa mag-asawa. "Dahil hindi ko pa rin po alam kung paano o bakit siya namatay."
"May paraan ba para malaman?" Napaisip pa sandali sa sariling tanong si Mr. Salid. "Ano ba 'tong tinatanong ko, hindi ka naman babagabagin kung meron."
Tinanguan ko siya. "May naalala ako na kaya kong gawin."
Agad kong nilagay ang kaliwang kamay sa kanang pisngi niya para padaanin ang thumb sa mata niya at saka pumikit para silipin ang alaala niya.
Mabilis kong nahanap ang alaala niya tungkol sa paghaharap nila ng lalaki. Binalak niya na saksakin si Anda pero walang takot na sinalo ng kamay nito ang kutsilyo, the moment na nagyayari ito, pinagmasdan kong maigi ang paligid na sakop ng vision ni Anda. Kahit anong paulit-ulit na pagbabalik sa alaala o pag-pause hindi ko pa rin matukoy ang ikinamatay nito. Tinanggal ko ang pause at muntikan na hindi mapansin ng mata ko ang dilaw na enerhiyang nanggagaling sa likod ng lalaki.
This is it. Ang kulay na enerhiya na 'yan ay galing sa spirit nitong lalaki na ninanakaw sa kaniya. Kamuntikanan ko na iyong hindi mapansin dahil halos usok lang iyon tapos dilaw pa at maliwanag din dito. Hindi ko na kayang masilip kung saan pumupunta ang dilaw na usok dahil kung ano lang ang nakikita ni Anda ay 'yon lang din ang makikita ko. Kung saan man kumonek ang dulo no'n ay isa lang ang sigurado ako, may isang nilalang ang naging dahilan sa pagkamatay ng lalaki at hindi si Anda iyon.
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...