GA 42 SMALL WORLD

13 1 0
                                    

NAGLALAKAD ako sa hallway patungo sa morgue nitong hospital na pinagdalhan kay mama, hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Kahit ang paghinga wari'y hindi ko maramdaman at marinig, tanging mga sirens at announcement lang ang nasasagap ng tainga ko.


Bakit ganito, mahal ko si mama pero wala akong nararamdamang sakit. Tuluyan na rin ba akong minanhid ng mga sakit na idinulot sa akin ng mga hindi malilimutang nangyari sa buhay ko? O sadyang kay mama lang ako ganito dahil sa inakalang matagal na siyang patay at 'yong sakit na dapat mararamdaman ko ngayon ay na-advanced na.


Nagtaka na lamang ako sa pagtigil ng mga paa ko, ilang hakbang na lang sana at makakatungtong na ako sa tapat ng morgue. Sinilip ko mga kamay na nakababa lang, ang isa sa kanila ay may hawak na kung ano mang papel at pati pag-angat nito ay kinatamaran ko.

"Picture?" Tanong ko sa hangin. Bigla na lang bumalik 'yong mga nangyari kanina sa alaala ko. Si Rina ang nakakita nito sa bulsa ni mama habang sinusugod sa hospital at kinuha ko lang ito bago siya tuluyang ibaba sa ambulansya kanina.

Ilang minuto ang lumipas bago magproseso sa utak ko kung ano ang nilalaman nito, ang mga paa ko ang nag-react, napahakbang ako paatras at hindi napigilang tumingin sa pinto kung nasaan ang nanay ko. Bakit ba lahat ng bagay kumukunekta sa street na 'to, ang crime scene ang nilalaman nitong litrato pero this time hindi man buo pero nahagip pa rin ang building ng salon.


May isang tao ang tumikhim sa likuran ko na sumira sa momento ko. "Kanina pa tumutunog 'yong cellphone mo, hindi mo ba sasagutin?"


"Ah." Tanging sambit ko lamang saka sinagot ang tawag. "Sino 'to."


"I-it's me, Earl..." tinanggal ko ang selpon sa tainga para silipin ang screen at pangalan nga niya ang nakalagay, binalik ko rin agad ang phone matapos kumpirmahin. "'Yong mga students mo kasi nagkakagulo, tumawag sa akin ang isa sa student mo since hindi ka raw makontak, nandito kasi ako sa office ng head, pipilitin kong hindi makarating sa kaniya ang nangyayari sa students mo."


"Thanks for the help." Binaba ko na agad ang tawag. Pagkaharap  ko palabas sa hallway mukha nina Ronn at Rina ang bumungad sa akin.


"W-welcome back sa reality." Naiilang pang ngiti ni Ronn saka sunod na nagtago sa likod ni Rina. "Bumalik na ba siya sa sarili niya?"


"Hindi ko—"


"Pahiram ako ng abilidad niyo, kailangan kong magmadali." Walang paligoy-ligoy kong sabi. Itataas ko pa lang ang kanang kamay nang umilag sila. "Ano 'yan?" Pagtataka ko.


"A-akala namin sasampalin mo kami." Hindi pa rin nawawala sa mukha ni Rina ang takot. Nilapag ko ang kanang kamay sa balikat niya habang ang kaliwang kamay sa balikat ni Ronn.


Hindi nila nakikita ang paghigop ko sa kulay ng abilidad nilang maglaho gayo'n din ako subali't nararamdaman ko iyon. Tinanggal ko lang ang kamay ko sa kanila nang wala na akong nahihigop pa at saka sila iniwan, naglaho ako na hindi ko ito kontrolado at sa banyo ng mga lalaki pa yata ako lumitaw.


"Sh*t bakit dito pa." Mahinang reklamo ko at agad ding pumasok sa isang cubicle at hinintay na mawalan ng tao.


"Bro, ang sexy no'ng bagong teacher 'no?" Sabi ng isang batang studyante.


Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon