JEMA's POV
"Ibig mong sabihin si D, at yung classmate nating Chinito at yung kinababaliwan mong chatmate mo ay iisang tao lang?" tanong ni Ced
tumango lamang ako, nalulungkot pa din ako sa sinapit ni D hanggang ngayon
"Jema, hindi pa patay si D. Comatose si Deanns sa isang Private Hospital. Hindi pa siya patay!"
napakunot ang noo ko, unti unti kong pinroseso ang sinabi ni Celine... Ilang segundo akong natahimik...
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga Ced" sambit ko
"Jessica Margarett, wake up! Hindi pa patay si Deanns, may pagasa pa ang love life mo girl. Buhay pa si Deanns. Comatose siya oo, pero ang mahalaga humihinga pa siya. Nakaconfine siya ngayon sa isang Private Hospital. Naikwento sa akin yan ni Tots nung nakaraan lang."
"Buhay pa siya?! teka... ano nga ulit yung sinabi mo? Tots? as in Tots Carlos? kailan pa kayo nagusap?" usisa ko kay Ced
"Alam mo kung hindi mo ba naman ako tinaguan at pinagsinungalingan eh di, baka matagal nang nalutas yang problema mo sa jowa mong multo, saka yung sa amin ni Tots, nagkakilala kami neto lang, sa isang Cafe, habang ako lang magisa dahil tinataguan akong pilit nang best friend ko"
"Oo na, sorry na, nangunsensya ka pa. Ayaw mo nun, may mabuti pa ding nadulot yung pagiwas ko sa'yo?" sagot ko sa kaniya
"Yeah, right. Thanks bes!" sarkastiko nitong tugon sabay irap.
"pero mabalik ako, I need your help bes. Gusto ko makita si D. Kailangan ko siya makita, kailangan ko malaman kung ano ang nangyari sa kaniya."
"Ay yun lang. Hindi ko sigurado kung papayagan tayo. Hindi kasi basta basta pwede makadalaw doon. Kahit nga daw si Tots na matalik na kaibigan ay nahihirapan pa dumalaw sa kaibigan niya eh. Alam mo bang hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa din nila kung sino ang gumawa non kay Deanns. Ang sabi kasi may nagtangka daw pumatay rito. Hindi sila naniniwala sa Police report na aksidente lang ang nangyari kay Deanns" pagkukwento ni Ced
"pero kailangan ko makausap ang Daddy ni D" sagot ko kay Ced
"Bes, naiintindihan kong gusto mo lang tumulong. Pero tingin mo ba maniniwala sila sa'yo? Ako pwede pa, dahil best friend mo ko, matagal na kitang kilala at alam kong hindi ka basta basta na lang gagawa nang kwento. Pero sila, tingin mo ba mapapaniwala mo sila? Gayong hindi ka naman din nila kilala. Lalo pa ngayong may nagtangkang pumatay sa anak nila at hindi pa din tukoy kung sino. Mamaya nyan ay mapagbintangan ka pa eh" pagpapaliwanag ni Ced sa akin
Napayuko na lang ako, nang maalala ko.
"Si Bei! baka sakaling matulungan niya ko. Kahit siya na lang mismo ang makausap ko." pakiusap ko kay Celine
"Hindi ko sigurado bes, pero... Sige, susubukan kong kumbinsihin din sila. Tutulungan kita" sagot ni Ced
Niyakap ko ito nang mahigpit
"Thank you, Bes! Sobrang Thank you!"
"Oo na, ano pa nga bang magagawa ko eh alam mo namang malakas ka sakin" sagot ni Ced nang magkalas kami mula sa pagkakayakap
"Ahm, Bes... Sagarin ko na din yung kakapalan nang mukha ko... Baka pwede mo ko matulungan, kahit alamin mo lang saan nakaconfine si D. Gustong gusto ko na kasi talaga siyang makita" pagmamakaawa ko kay Ced
"Jema, delikado yang binabalak mo" ramdam ko ang pagaalala ni Ced pero hindi ako makakapayag na hindi ko makita man lang si D. Sobrang miss na miss ko na siya.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...