XXXI. RISK

690 27 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dumating ang araw nang Birthday ni Jho, at nagdecide silang sa Bar na lang icelebrate ito.

Agad dumating rito sina, Bei, Tots at Ced, habang hinihintay si Jema dahil kasama pa rin nito si Ely. Maya maya pa ay dumating na si Deanns kasama ang isang babae.

"Deanns! here!" tawag ni Tots kay Deanns sabay kaway nito.

nang makalapit ay agad na bumati si Deanns kay Jho

"Happy Birthday ate Jho, yung regalo ko pinadala ko na sa dorm mo, para surprise na lang" bati ni Deanns sabay beso at yakap sa kaibigan

"Thank you Baby Deanns, ikaw talaga nagabala ka pa" sagot ni Jho

agad namang pinakilala ni Deanns si Mich sa mga kaibigan

"Guys, this is Michelle Cobb, from DSLU. A friend of mine" nakangiting tingin ni Deanns kay Mich habang pinakikilala ito sa mga kaibigan

"You can call me Mich, nice to meet you" wika ni Mich sabay abot nang kamay isa isa sa mga kaibigan ni Deanns at nagpakilala din ang mga ito sa kaniya.

"Hindi mo naman sinabi na interested ka din pala Archer Deanns ha" Asar ni Bei kay Deanns, nahihiyang ngumiti naman si Mich

"Mukhang napana ka Deanns" gatong ni Tots

"Uy, tumigil nga kayo... nakakahiya kay Mich" wika ni Deanns sabay nahihiyang napahawak na lamang sa batok nito.

Masayang nakipagkwentuhan ang mga ito kay Mich. Mabait at magaan kasama ito, isang bagay na kinatuwa din nila Jho at Bei. Hindi nila inaasahang magiging kaibigan din nila si Mich, lalo na si Jho dahil kilalang magkatunggali ang grupo nito sa Volleyball.

"Paano ba yan Deanns, mukhang mahihirapan ka magcheer niyan sa UAAP" asar ni Jho kay Deanns

"Ate Jho naman, pwede naman po both diba?" sagot ni Deanns sabay pacute na nagpout

Tinawanan naman ito ni Jho at tila napangiti nang pagkalawak si Mich sa nakitang inakto nang kaibigan

Samantala ay kanina pa kinukulit ni Ced si Jema sa text, at pinapupunta na ito. Ngunit nang malaman ni Jema na may kasamang babae si Deanns at pinakilala ito sa kanila ay tila nagbago ang isip nito. Nagdahilan na lamang ito sa kaibigan na hindi na makakapunta pa.

"Bakit ba kanina ka pa phone nang phone dyan Ced, andito naman ako ah?" tanong ni Tots

"Baliw! si Jema tong katext ko. Hindi na daw siya makakapunta, may emergency daw" inis na sagot ni Celine

"Is she okay?" concern na tanong ni Deanns

"Oo naman, baka nagdadahilan lang yon. Kasama niya kasi ngayon si Ely" inis na sagot muli ni Ced

"Oh" tanging naging sagot ni Deanns. Tila muli siyang napaalalahanan na may Ely na nga pala sa buhay ni Jema ngayon.

Sa paglalim nang gabi ay nagkaroon nang pagkakataong magusap si Deanns at Jho habang busy na ineentertain ni Ced si Mich. At si Tots at Bei ay masaya at makulit na sumasayaw sa dance floor.

Nilapitan ni Deanns si Jho nang mapansin nito kung paano nito tignan si Bei

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sinagot?" tanong ni Deanns kay Jho

"Ako pa talaga tinanong mo niyan ah" sagot ni Jho sabay lingon kay Deanns

"Hihintayin mo pa bang may ibang sumingit sa eksena bago mo marealize na hindi mo kayang makita si Bei sa piling nang iba? Take me as an example, diba?" wika ni Deanns sabay higop sa alak na hawak nito

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon