THIRD PERSON'S POV
Hindi sabay sabay ang schedule nang magkakaibigan ngayong araw, kaya naman naunang umuwi sa Chatêau sina Jema, Ced at Jho dahil wala din silang training ngayon. Nandito sila sa sala upang gumawa nang homework and some school stuff.
Maya maya pa ay dumating na sina Tots, Bei at Deanns na pagod mula sa training nila sa Basketball
"Grabe naman yung practice na yon ngayon, Papatayin ba tayo ni Coach?" Maktol ni Tots, papasok pa lang ay dinig na nila Ced ang malakas na maktol nang kaibigan
"Hi Love" bati ni Bei kay Jho sabay halik nito sa pisngi
"Mukhang pinagod kayo ngayon ni Coach, Love" wika ni Jho matapos humalik sa kaniyang pisngi si Bei, napa pout naman si Bei at tumango tango lang sa kasintahan na parang bata
"Hi Baby" wika naman ni Deanns sabay halik din sa pisngi ni Jema at yumakap itong naglalambing sa dalaga
"Pahinga ka muna dito Baby" malambing na tugon ni Jema
"Hi My Honey bunch sugar pop, pumpkiyumkiyumpkin!" Bati ni Tots at akmang hahalik din kay Celine nang pigilan siya nito at itulak palayo
"Subukan mo Carlos, makakatikim ka sakin" wika ni Ced
Umupo namang nakasalmpak si Tots sa Couch habang nakahalukipkip at busangot ang mukha nito.
Tinawanan naman siya nang kaniyang barkada
"Ang arte mo Tots" wika ni Deanns sabay bato nang unan sa kaibigan, sinalag naman ito ni Tots at inirapan ang kaibigan
"Aba aba, May nalalaman ka nang pairap irap dyan ngayon ah" tukso naman ni Bei kay Tots
"Ewan ko sainyo, hmp!" Sagot ni Tots, sumandal ito sa couch at tinalikuran ang mga kaibigan
"Hala Celine, ikaw sumuyo dyan kay Toyo, este Tots pala" tuksong muli ni Bei, mabilis siyang nilingon ni Tots upang tignan nang masama saka muling tumalikod
Habang pigil na pigil naman sa tawa si Deanns, sinisiko siko siya ni Jema upang tumigil at baka lalo pang mainis si Tots
Tinignan naman nang masama ni Jho si Bei na siyang biglang tigil nito sa pagtawa
Pasimpleng sinenyasan ni Jho si Ced upang suyuin si Tots
"Uhm, Tots wag ka nang magtampo. Kain ka na lang, alam ko gutom lang yan" wika ni Ced habang kinakalabit si Tots
"Uy, sige na. Subo mo na lang to. Masarap to" alok ni Celine sa hawak na biscuit
Unti unti at pasimple naman siyang nililingon lingon ni Tots at nang mahuling nangingiti na ito ay biglang tumalikod muli at naginarte
"Uy, wag ka na magtampo... Calooooy" paglalambing ni Celine, pero tuloy pa din sa pagiinarte si Tots at inaalis ang kaniyang balikat sa tuwing hahawakan ito ni Celine
"Isa! Isusubo mo to o isusungalngal ko to sa'yo Carlito! Nahuli na kitang nakangiti kaya wag mo ko artehan dyan" pagtataray ni Celine
"Oo na eto na eto na" wika ni Tots sabay subo sa biscuit na alok ni Celine
"Grabe naman, napaka ikli naman nang pasensya mo. Hindi mo man lang ako nilambing nang matagal tagal" reklamo ni Tots habang ngumunguya at tinatawanan siya nang mga kaibigan
"Ako tigilan mo Carlito, madami pa kong paperworks na tatapusin. Kung tutulungan mo ko baka matuwa pa ko sa'yo" sagot naman ni Celine
Maya maya ay bumulong naman si Deanns kay Jema
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...