LXI. VACAY 2.0

730 20 0
                                    

DEANNS' POV

That same day, ininform namin sina Dad and Mom about Pongs and her, staying with us. They agreed right away naman and welcomed pongs with arms open wide. The very next day ay sinamahan nila ako sa funeral ni Cy. Dad decided na ilibing ang cousin ko sa tabi nang aming lolo. After few days we held his burial. Nothing suspicious naman during Cy's funeral and burial. Maybe natiis ni Uncle na hindi puntahan ang libing o kahit burol man lang nang kaniyang anak. Akala ko magbabago siya dahil nakakita ako nang pagsisisi sa mga mata niya noong araw na barilin niya kami ni Cy. Ngunit wala na atang pag-asang magbago si Uncle. Mananatili na siyang sakim, at ganid.

Napagusapan na din namin ni Dad lahat nang nalaman ko that very miserable day. About Estella and the death of my Lolo. Dad said na una pa lang ay duda na siya sa sudden death ni Lolo pero dahil ayaw niyang masira ang kung anong meron silang magkapatid ay pinili nitong hindi na ungkatin pang muli ang pagkamatay nang kanilang ama, my lolo.

Nasabi din ni Dad kung paanong laging minamasama ni Uncle lahat nang mabubuting bagay na pinapakita ni Dad sa kaniya. Akala kasi nito ay kinakaawaan niya siya dahil sa ampon ito. Pero mali ni Uncle, dahil kahit minsan hindi siya tinuring ni Dad na ampon, tinuring niya itong totoong kapatid niya. Lahat nang meron si Dad, he shared it with Uncle nang bukal sa loob. Nagkakaroon lang nang pagkakataon na mas naipapakita nila Lolo ang pagmamahal nila kay Dad, at nakakapansin na din kasi noon sina Lolo nang masamang ugali ni Uncle. 

Napagusapan din namin ang tungkol kay Estella. Ayon kay Dad, nauna niya daw nalaman na may lihim na pagtingin si Uncle kay Estella dahil napapansin niya na daw ang mga kinikilos nito. Hanggang sa mahuli niya itong nagflying kiss kay Estella habang naglalakad si Estella pauwi nang araw na iyon. That same day ay nakilala niya si Mommy, nang dumayo siya kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang perya dahil pista sa kanilang bayan noon. Makalipas nang isang linggo ay agad na niligawan ni Dad si Mommy, kaya naman nang magtapat nang pagibig si Estella sa kaniya ay may pagtingin na si Daddy kay Mommy. 

Dad also told me na kung hindi man daw dumating si Mommy sa buhay niya noon, ay he will still do the same. He'll reject Estella dahil alam niyang mahal na ni Uncle si Estella, at wala siyang balak agawin si Estella kay Uncle, hindi dahil naaawa siya rito or what. Kundi dahil alam niyang si Estella ang nagpapasaya kay Uncle nang mga panahong iyon. 

It was never Dad's intention to break Estella's heart. May pagka obssess din daw kasi ito, bagay na nahihirapan si Uncle na makita, gawa nang labis niyang pagmamahal kay Estella. Kaya kahit na anong ayos nang pakiusap ni Dad sa kaniya ay ayaw pa din nito tanggapin ang katotohanang Dad can't reciprocate Estella's love for him.


The evidence na binigay ko kina Bei ay sinumite niya sa kapulisan. Naging matibay na ebidensya ito upang maging malawak ang paghahanap kina Uncle at sa mga tauhan nito. Nasa Most Wanted List na sila, na nakakalat sa buong Pilipinas. Hindi na rin sila basta basta makakaalis nang bansa dahil naka ban at naka high alert na sila sa NBI. 

After a few days ay pinaalam sakin na nahuli na nila Tonyo ang mga tauhan na pinapahanap ko. At dahil hindi pa ako tuluyang magaling gawa nang sugat sa aking tagiliran ay sila na ang nagasikaso sa parusang hiniling ko para sa mga tauhan ni Uncle. Nagsend lang sakin si Bei nang Video nang ginawa nila sa mga tauhan ni Uncle, the very same thing na ginawa nila sakin sa poder ni Uncle.

Napakasarap makita na nanghihina yung Matangkad na kupal na gumulpi sa akin, if only I can do those things to them on my own. Pero okay lang, as long as naibawi nila ako sa mga yon.

Pinahirapan muna nila yung mga tauhan ni Uncle bago sinurrender sa kapulisan, wala din silang nakuhang sagot sa mga ito sa kinaroroonan ni Uncle.  Ayon sa mga ito ay wala daw ni-isa sa kanila ang nakakaalam nang kinaroroonan nito dahil kinikita lang nila ito sa isang lugar. May roon daw kasi itong bukod na bodyguard na nagiisang nakakaalam nang totoong kinalalagyan ni Uncle. Yun din ang mismong contact nila pero lagi daw itong nagpapalit nang number. 

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon