JEMA'S POV
Kinabukasan ay pinilit ako ni D na sumama sa Adamson. Binilinan ko na lang ito na wag akong kakausapin kapag may ibang mga tao.
Masayang masaya itong patalon talon pa habang naglalakad kami
"J, grabe ngayon na lang ulit ako nakatuntong dito. Kahit saglit lang ako nakapasok dito ay napamahal na din sakin itong Adamson. Okay lang, hindi mo kailangan sumagot, gusto ko lang sabihin yun sa'yo" masayang wika ni D, nginitian ko na lamang ito.
Nang makarating na kami sa classroom ay wala pa si Celine. Maya maya pa ay nilapitan ako ni JohnVic, kaklase namin ito sa ibang mga minor subjects
"Hi, Jema" nakangiting bati nito
"Oh, JohnVic anong atin?" Tanong ko sa kaniya
"Ah, invite lang sana kita sa Friday night. Birthday ko na kasi, mag papa-party sana ako sa bahay." Wika nito sabay kamot sa batok
"Ahm..." nagdadalawang isip kong sagot, napatingin ako kay D na nakakunot na ang noo
"Turn down the offer" wika ni D
"Wag kang magaalala, imbitado lahat nang kaklase natin. Um-oo na nga din si Celine" dagdag ni JohnVic
"Nope. Negative. Decline it" singit uli ni D
"Ah, Titignan ko JohnVic hah. Kapag wala akong ginagawa nang araw na yon..." nahihiya kasi akong tumanggi
"What?!! Seriously, J?" Sambit ni D. Pinipigilan ko sumagot sa harap ni JohnVic.
"Aasahan kita hah Jema. Sige upo na ko sa pwesto ko" wika nito
Napanganga na lang si D sa naging tugon ni JohnVic. Wala na kong nagawa, hindi pa naman ako umo-oo eh.
Eto tuloy katabi ko nakabusangot na. Kung nakakapatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa nakabulugta itong si JohnVic sa harap ko
"J, pupusta ako may gusto sa'yo yung kumag na yon. I'm telling you, that's why you should have turned down his offer right from the very start" nanlilisik pa din ang tingin niya kay JohnVic
"Wag mo na pansinin, ganun lang talaga yon" bulong kong sagot rito
Maya maya pa ay dumating na si Celine
"Bes, aga natin ah" bati ni Ced, paupo na sana ito sa upuan niya nang bigla ko itong pigilan
Paano ba naman, nakaupo kasi dun si D. Sinenyasan kong tumayo ito kaya naman lumipat na si D sa kabilang side ko.
"Ahm, pagpagin ko lang, ano kasi madumi eh. Oo tama madumi hehe" pagpapalusot ko
"Ang weird mo, aga a-" naputol ang sasabihin nito nang may marealize siya
"Wag mo sabihing sinama mo siya rito" bulong sakin ni Ced
Wala na akong nagawa, ayoko naman na maglihim kay Ced kaya tumango na lang ako na ikinasinghap niya
"Shh, wag ka nga pahalata dyan" sagot ko sa kanya.
"Shit ka Jema, muntikan ko na siyang maupuan." Bulong sa akin ni Ced
"Sorry na, napigilan naman kita eh" sagot ko sa kaniya
"Paano na lang kung naupuan ko siya tas napasanib siya sakin, diba?" Bulong na sigaw ni Ced
"Eh?" Tanging naging reaksyon ko... Hindi ko naisip yon ah, possible kaya iyon?
"J, tanong mo kay Ced kung gusto niyang subukan namin para malaman natin kung pwede mangyari yon?" Wika ni D, seryoso ang itsura niya pero alam kong nagbibiro lang to.
"baliw" maikli kong tugon
"B-bakit? Ano sabi ni D?" Tanong ni Ced
"Ahm, wala. Gusto niya lang malaman kung gusto mo daw itry kung masasaniban ka talaga niya" wika ko kay Ced
Kita ko naman ang biglang pag ka pawis at pagkanigas nang katawan ni Ced sa sinabi ko
"Ahh, Hindi ka naman mabiro D oh, ahehe" manginig nginig na sambit ni Celine
"Hahaha ang cute nang kaibigan mo. Masyadong matatakutin, biro lang kamo" natatawang sagot ni D
"Cute ka dyan?! Ako lang dapat ang cute sa paningin mo" Sagot ko sabay irap kay D
"Hindi ka lang cute, maganda din... Maganda ka sa paningin ko, J" banat ni D
Hindi na ko sumagot. Wala eh, kinilig na ko. Nalaglag na ata panty ko sa lintik na banat na yon
"Ano yun Bes? May sinasabi ka" tanong ni Ced nagtatype kasi siya sa phone niya
"Ahh wala, biro lang daw yon sabi ni D" wika ko kay Ced
"Maiba ako, inaya ka na din ba ni JohnVic sa paparty niya sa Friday? Nabanggit niya kasing siya na daw ang magsasabi sa'yo. Naka-oo na din naman na ko" banggit ni Ced
"Baka hindi ako pumunta" sagot ko, ito namang nasa kaliwa ko, sumimangot na naman. Okay na eh, wala na sana yung topak eh.
"Hah? Bakit naman? Chance na din yun para makipagsocialize ka" sagot ni Ced
Nako bes, kung nakikita mo lang itsura nitong katabi ko ay unang aya pa lang baka tumanggi ka na agad
"Ah, basta busy ako nun, aasikasuhin pa namin ni D yung mga dapat naming asikasuhin" sagot ko, hindi naman sa nagpapalusot ako, well aasikasuhin din naman namin yon ni D, one of these days. Itataon na lang siguro namin sa araw na yon.
"Speaking of Deanns, nabanggit na pala sa akin ni Tots na sabihin ko daw sainyo na wala ang mga magulang ni Deanns. Aalis daw sila sa Friday papuntang US para umattend nang General Assembly nang Company nila Overseas. Kaya dun daw tayo pwede makadalaw... baka si Bei lang din daw ang magbantay sa kaniya nang araw na yon. Pero may dalawang Bodyguard daw don. Ngayon, kung makakausap naman natin si Bei ay mapayagan tayong makalusot." Pagpapaliwanag ni Celine
"Nako bes, magandang balita yan. Salamat naman" sagot ko sa kaniya
"Bakit kailangan mo pa akong puntahan sa Hospital J? Hindi ba mas delikado yon para sa'yo?" Wika ni D sa akin
"basta" bulong ko na lamang
"Ano yun bes?" Tanong ni Ced
"Ah wala bes" sagot ko
Maya maya pa ay dumating na ang prof namin.
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay may quiz kami. Shuta, hindi sa bobo ako pero masyado kasi akong nafocused kay D kaya medyo napabayaan ko na ata yung pagaaral ko
Halos wala akong maisagot, buti na lang ay tinuruan ako ni D sa mga sagot at naperfect ko ang quiz hehehe
Hindi lang pala gwapo at talentado tong future baby boy ko, matalino din pala. Swerte ko naman sa'yo D.
Akin ka na lang hah, bubulsa talaga kita para wala na makakuha sa'yo.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...