JEMA'S POV
Kakauwi ko lang from School, nadatnan ko ang barkada dito sa sala na nanunuod nang movie
"Mukhang magandang movie yan ah" nilapag ko ang aking bag sa side table dito sa sala
"Jems, tara movie... medyo kasisimula pa lang naman" aya ni Tots
"Sige, salamat. Si Deanns nga pala?" tanong ko sa kanila
"Huh? hindi ba kayo magkasama ngayon? I thought magkasama kayo" sagot naman ni Jho
"Check mo na lang din muna sa kwarto niya besh, baka andun lang at hindi lang namin napansin" sagot naman ni Ced
Nakita ko pang napalingon si Bei at saka kinuha ang kaniyang phone. Dumiretso naman ako sa room ni Deanns
Ngunit pagdating ko sa kwarto niya ay wala siya rito. Kumatok din ako sa banyo sa loob nang kwarto niya, nang walang sumagot ay pinihit ko ang doorknob, bukas ito at wala rin siya sa loob.
I event went to our Arcade room to check if andun siya pero wala rin siya don. I grab my phone and tried to call him habang naglalakad ako pabalik sa sala, but he's out of reach.
"Guys, he's not here" sabi ko sa kanila as I tried to be calm. Medyo fresh pa kasi yung incident sakin kaya hindi pa kami at ease parepareho.
Mukha namang naalarm si Bei, he tried calling someone
"He's not picking up. I'll try to call Tonyo" sagot ni Bei, halos magdikit na ang kilay nito sa pagkakunot. I think he's also trying to be calm.
Unti unti kong napapansin ang pagkainis sa mukha ni Bei, nakailang dial na kasi siya pero hindi pa din sumasagot si Tonyo.
After nang ilang ring ay sumagot na asi Tonyo
"Tonyo, bakit ngayon ka lang sumagot? kanina pa ko tawag nang tawag sa'yo ah" tanong ni Bei, in-on niya na din yung loudspeaker
"Pasensya na po Boss B, may problema po kasi" sagot ni Tonyo mula sa kabilang linya
"Problema? ano yun?" sagot naman ni Bei, napatingin pa ito samin
"A-ano po kasi Boss B..." nagaalinlangang sagot ni Tonyo
"Tonyo, sasabihin mo o talagang malilintikan ka sakin?" galit na tugon ni Bei
"love, kalma" awat ni Jho kay Bei
"Pasensya na po talaga Boss B, Inaya po kasi ako ni Boss D sa Mall dahil may bibilhin daw po sana siya, kason natakasan po kasi ako ni Boss D. Umalis po siya, tangay yung sasakyan" wika ni Tonyo
Napasapo naman si Bei sa nadinig niya mula kay Tonyo
"Naknang! asan ka na ngayon?" tanong ni Bei
"Pabalik na po dyan, napacheck ko na po yung cctv sa Mall. Nakita po si Boss D na nagmamadali sumakay nang sasakyan... Chineck ko na din po yung GPS tracker nang sasakyan niya kaso bigla po nag lost connection around EDSA po. Mukhang sinadya talaga ni Boss D na patayin" paglalahad ni Tonyo
"Lintik! Deanns ano na naman to" sabi ni Bei sa sarili
"Sige, bumalik ka na muna dito, papacontact ko yung hackers natin para matrace nila sa CCTV yung possible na dinaanan ni Deanns." sagot ni Bei at inend na ang call
Agad agad naman nitong pinatawag si Cardo at ang buong security upang magtulong tulong na hanapin si Deanns. Tinawagan na din nito agad agad sina Tito Dean tungkol sa sitwasyon dito ngayon.
Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang huling namataan si Deanns. Naisipan kong icheck ang kwarto niya at nagbabaka sakaling may iniwan itong lead upang matunton kami.
Agad akong nagtingin sa palibot nang kwarto niya at hindi ako nagkamali, may iniwan siyang note sa bedside table niya. Bakit nga ba hindi ko ito agad napansin kanina. Nagmadali akong bumaba upang sabihin kay Bei ang nakita kong papel
"Guys, dito muna kayo, pupunta muna ko kina Tito Dean, huling namataan ang sasakyan ni Deanns sa North, dapat makabyahe na habang tinetrace pa ang sasakyan niya. Hindi kasi tayo pwede magaksaya nang oras" dinig kong sabi ni Bei
"Bei, sandali!" pigil ko sa kaniya, inabot ko sa kaniya ang papel na nakita ko sa tabi nang higaan ni Deanns
"Nakita ko to sa bedside table niya" medyo hingal ko sagot
Agad na tinrace ni Bei ang exact location nang nakalagay na address.
"Isang abandonadong warehouse sa liblib na lugar. Tugma sa daan sa huling natrace na location nang sasakyan ni Deanns. Aalis na muna ko, kailangan maabutan nating buhay si Deanns. Hindi tayo pwedeng mahuli" sagot ni Bei
"Bei, Sasama ko" sagot ko sa kaniya, tumango na lamang si Bei
"Maiwan muna kayo dito love hah. Don't worry, iuupdate namin kayo" sagot ni Bei at humalik nang mabilis kay Jho
"Magiingat kayo" sagot naman ni Jho
gayun din ang naging paalala nila Tots at Ced
habang nasa sasakyan, nadidinig kong nagbibilin si Bei sa mga security na naiwan sa bahay. Agad niya ding sinabihan sina Tito Dean sa posibleng lugar na kinaroroonan ni D.
"Bei, I was thinking maybe Roms can help? baka pwede tayong magpatulong sa Dad niya about Police backup?" wika ko kay Bei
"yeah sure, that's a great idea Jems" sagot naman ni Bei
Agad agad ko namang tinawagan si Roms tungkol sa nangyari, at nagsabi itong tatawagan niya ang kaniyang Dad upang makahingi nang tulong.
Ilang minuto lamang ang aming hinintay habang bumabyahe ay tumawag muli si Roms
"Yes, Hello Roms" sagot ko
"Mommy Jems, okay na po. Nagpapunta na po nang Police Back-up si Dad. Nagrequest na din po ako nang Medic para anu't ano man po" sagot ni Roma mula sa kabilang linya
"Salamat Roms, thank you talaga sobra" sagot ko sa kaniya
"Wala po yun mhie, basta magiingat po kayo dyan lahat. Ipagdadasal ko po ang kaligtasan ni Dada D" sagot ni Roma
"Oo nakshie, salamat. Iuupdate na lang kita maya about sa sitwasyon hah... Medyo malapit naman na ata kami" sagot ko sa kaniya
"Yes please mhie." sagot ni Roma, nagpaalam ito at inend ko na ang call
Labis labis ang aming naging pagpapasalamat kay Roma. Who would've thought na ang taong kinaselosan ko at muntik ko nang itaboy sa buhay namin ni Deanns ang taong may maitutulong pala sa sitwasyon namin.
Huminto ang sasakyan namin sa isang lugar. Twenty minute drive, away from the abandoned warehouse, nagkaroon lang nang mabilisang meeting sa mga dapat gawin. Andito na din sina Tito Dean at Tita Judin, pinasuot na din kami nang bulletproof vest at nagbabala ang mga pulis samin na wag lalayo sa security team na puprutekta samin dahil baka maraming ang nasa warehouse na iyon.
Maya maya ay nakarinig kami nang radyo mula sa kabilang linya na nagsasabi nang bilang nang tao sa warehouse. Nasa sampu daw ang nasa lugar na ito. Anim na look-out ang nakabantay sa labas at apat sa loob kasama nang Uncle ni D na verified nang pulisya.
Agad agad kaming sinabihang maghanda na, mabilis naming tinungo ang abandonadong warehouse ngunit malayo pa lamang ay nakita na nang mga pulis na may sasakyang nagmamadali nang tumakas. Dalawa sa police mobil ang agad humabol sa sasakyang kumaripas nang alis
Saktong pagbaba namin ay nakadinig kami nang dalawang malakas na putok nang baril.
Kasabay nang alingaw ngaw nang ingay na iyon ay ang pagtigil nang aking mundo.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfic"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...