VIII. D.X.W.

754 31 0
                                    

JEMA'S POV

Habang andito ako sa aking kwarto at gumagawa nang paraan para matulungan si D na malutas ang kaso, ay bigla kong naalala ang aking dating ka-chat na si BatWongst. Asan na kaya iyong lalaking yon? Matagal tagal na rin simula nung huli kaming nagkachat ah.

Kinuha ko ang aking Cellphone at nagscroll scroll ako nang aming messages. Nakita ko uli yung mga pictures na sinesend niya sa akin.

Nang may mahagip ang aking paningin, agad ko itong zinoom.

"Wong Corporation"

nanlaki ang aking mga mata...

Hindi kaya yung nakasalubong ko nung first day na may initials na D.X.W. ay si BatWongst, at yung classmate naming naaksidente ay iisang tao lang lahat???

Napa-scroll ako sa mga messages ko noong nagchat ako sa kaniya nung araw na hindi niya ko sinipot. Tapos nagpunta ko sa Group Chat naming magkakaklase sa minor subject namin na kaklase namin siya, binalikan ko yung chat na sinabing naaksidente siya

mas nanlaki ang aking mga mata nang nalaman kong magkasunuran ang mga araw na iyon.

Nagscroll pa ko nang nagscroll sa GC namin kahit ang dami dami nang messages dito. Hinanap ko yung pangalan niya, hindi din kasi siya naisali dito dahil after one-week nga lang ay naaksidente na siya, pero weeks after lang nila nalaman ang totoong nangyari sa kaniya.

At karamihan naman nang chat dito ay Chinito ang tawag sa kaniya.

Napatigil ako sa isang chat way back first week of classes mula sa aking kaklase...

Confirmed!!

"Uy, guys, i-add ko kaya si Wong sa GC nating to?"

ayan ang chat nang kaklase naming si charles na katabi nito sa upuan sa Subject naming iyon.

Ang tanga tanga mo Jessica Margarett, bakit hindi mo napansin yon?!

Napasabunot ako nang aking buhok sa mga rebelasyon na ito.

Agad kong hinanap yung flashdrive na naiwan sa akin noong first day of class.

Siya yon! Sa kaniya yung flashdrive na yon, tiyak ko!

Halos bumaliktad na yung buong kwarto ko sa kakahanap nang flash drive na iyon, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din makita kung saan na ito napadpad.

Andito lang dapat yun sa lamesa ko.

nararamdaman kong may importanteng nakalagay roon...

Nagtatatakbo ako papunta sa sala, hinanap ko si Mafe

"Ate Jovs, nakita mo po ba si Mafe?" tanong ko sa nakakatanda kong kapatid

"Hindi pa, ang alam ko ay pauwi na yun" sagot nito

"May napansin ka din po bang Flashdrive na Batman na may initials na D.X.W.?" dagdag na tanong ko rito

"Wala... Baka si Mafe, ang alam ko nagtatanong yun nang mahihiram na flashdrive kaninang umaga" sagot nito

Napasapo na lamang ako sa sinabi ni Ate Jovy, mukhang si Mafe nga ang salarin sa nawawala kong flashdrive.

Hindi na ko mapakali sa aking kinatatayuan, babalik na sana ako sa aking kwarto upang kunin ang aking phone para matawagan si Mafe nang biglang iniluwa ito nang aming pinto

"Mafe!" sigaw ko

"Ay! Anak nang puting kalabaw! nakakagulat ka naman ate" wika nito habang hawak hawak ang kaniyang dibdib

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon