THIRD PERSON'S POV
After three days ay nakapasok na si Deanns. Pilit nitong iniiwasan si Jema. Maski ang mga text messages nito ay hindi niya pinapansin. Masakit man para sa kaniya ngunit kailangan niya rin ito para sa kaniyang sarili. Hinahanda na rin ni Deanns ang kaniyang sarili kung sakali man na magkrus na ang landas nila ni Jema sa School. At gaya nang inaasahan
"Iniiwasan mo ba ko?" biglang sumulpot si Jema habang tahimik na kumakain si Deanns nang sandwich nito sa ilalim nang puno malapit sa Soccer field.
muntik naman maitapon ni Deanns ang sandwich na hawak nito, mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes ni Jema at nasalo niya ang pagkain ni Deanns
"A-anong ginagawa mo dito Je-jessica?" mautal utal na wika ni Deanns
"Ang sabi ko, iniiwasan mo ba ko Deanns Xavier Wong?" mataray na tanong ni Jema kay Deanns
"Hindi ah, bakit naman kita iiwasan?" patay malisyang sagot ni Deanns
"Bakit nga ba?" balik na tanong ni Jema sabay kuha nang phone nito mula sa kaniyang bulsa, agad niyang dinial ang phone ni Deanns, sabay naman silang napalingon sa phone ni Deanns at nagkatinginan
"Hindi ka naman nagpalit nang number, pero bakit hindi ka nagrereply sa mga messages ko sa'yo?" taas kilay na tanong muli ni Jema
"Ahm... Jessica look, I didn't mean to ignore your messages, I'm just busy with something" sagot ni Deanns, hindi ito makatingin sa mata ni Jema
"Like what?" napacrossed arms na si Jema sa harap ni Deanns
"Just... stuffs. You know" pagsisinungaling ni Deanns
"Hindi ka magaling magsinungaling Deanns Xavier, kung iniiwasan mo ko dahil nagtatampo ka about sa nangyari nang supposed meet up natin, I'm sorry, Okay? It's a misunderstanding" seryosong sagot ni Jema habang nakatingin sa mga mata ni Deanns. Halos hindi naman alam ni Deanns kung saan ito titingin dahil sa tuwing titignan niya si Jema ay hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya.
Napahingang malalim na lamang si Deanns
"Jessica, look... I didn't wanna cause trouble again with your schedules. You're free to meet whoever you wanted to meet, be with whoever you wanna be with. If it's Ely you choose, then I definitely respect your decision.
We are friends pa din naman diba? Just give me time to be alone... I'll be fine after this. It's just a phase." sagot ni Deanns habang nakatingin sa mga mata ni Jema
Hindi naman nakasagot si Jema, nakatingin lamang ito sa mata nang binata. Limang segundong napuno nang katahimikan ang paligid. May diin niyang inabot ang sandwich na nasalo kanina at inilapat ito sa may bandang balikat ni Deanns sabay lumakad palayo nang wala nang ibang sinasabi pa.
Napabuntong hininga na lamang na nilingon ni Deanns si Jema na naglalakad nang palayo mula sa kaniya.
Nasaktan si Jema sa sinabi ni Deanns na para bang pinagtatabuyan na siya nito palapit kay Ely. At ang pagdedesisyon nito magisa nang hindi inaalam ang kaniyang opinyon o nararamdaman.
Nang matapos ang klase ay pauwi na sana si Deanns nang may madaanan itong isang Cafe, naisip nitong dumaan muna sa Cafe na umagaw nang pansin niya. Umorder siya rito at tahimik na naupo sa isang tabi. Gustuhin niya mang umuwi na lang ngunit inaalala niyang baka mapansin nang mga kasama sa bahay ang kaniyang pagiging malungkot. Ayaw niyang may nagaalala sa kaniya, lalo na ang mga taong malalapit sa kaniya. Nakadungaw lamang ito sa labas nang biglang may lumapit sa kaniyang isang babae
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fiksi Penggemar"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...