THIRD PERSON'S POV
Sabado.
Ngayon ang araw na nakatakdang magpunta sina Jema sa Hospital kung saan naka confined si Deanns.
Nakaisip naman nang plano si Jema upang madali nilang maisakatuparan ang kanilang plano. Naunang nagpunta sina Tots at Celine sa kwarto kung saan naka confine si Deanns. Pagdating nila ay nandoon na si Bei, sadya naman nilang pinaiwan sa malayo si Jema, na maghihintay lang nang Go-signal ni Celine.
Agad na nilibang ni Tots si Bei at nang makalipas ang ilang minuto ay inaya nito si Bei na kumain sa labas
"Bakit kailangan pa natin kumain sa labas? Magpadeliver na lang tayo. Hindi pwedeng walang maiwan kay Deanns" wika ni Bei
"Ayoko padeliver, gusto ko sa labas mismo tayo kumain. Ayoko dito, umuurong ang sikmura ko. Baka hindi ako matunawan kapag dito tayo kumain" pagpapalusot ni Tots
"Eh di kayo na lang, dalhan mo na lang ako dito. O kung ayaw mo naman, papadeliver na lang ako" sagot naman ni Bei
"Alam mo wag kang OA Bei, may mga guards naman si Deanns, there's no need to worry. Hindi siya maiiwan magisa. Saka nakakahiya naman kay Celine oh" sagot ni Tots
Napatingin naman si Bei kay Ced, at nahihiyang ngumiti pabalik naman si Celine
"Okay fine. Tara na nga" sagot ni Bei na may kasamang irap. Walang nagawa ito kaya tumayo na lang
Nang makalabas sila nang kwarto ay nagbilin si Bei sa mga guards na kakain lamang sandali sa labas. At nang makalayo na sila nang kaunti ay nagpanggap si Tots na naiwan nito ang kaniyang wallet.
"Shit! I forgot my wallet. I'll be right back, stay here na lang. I'll be quick, promise" wika ni Tots na nagpakunot nang noo ni Bei
"Kahit kailan ka talaga Tots, sige na bilisan mo" sagot ni Bei
Pagalis ni Tots ay agad na nilibang ni Celine si Bei sa pamamagitan nang pagtatanong rito
"Bei, matanong ko lang pala... Nasaan pala si Jho? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" Tanong ni Ced.
"Ah, may importanteng lakad lang siya ngayon, pero maya maya lang ay pupunta na yon dito" sagot naman ni Bei
"Mukhang naging routine niyo na ito ni Jho, ano?" Pagpapatuloy ni Ced
"Yeah, it's been what? A few months na din I think... We're still hoping pa din na soon, he'll wake up na" wika ni Bei
Sa kabilang banda naman ay nagpaalam naman si Tots na may naiwang gamit sa loob at saka pumasok.
Pumasok na ito at nagkunwaring may kinuha. Agad rin itong lumabas at nang mag papaalam na sa mga bantay sa labas nang kwarto ni Deanns ay
"Ay, Boss Chief, maibilin ko po pala, dadating dito maya maya lang yung isa ho naming matalik na kaibigan, Babae po iyon. Kasama namin yon hah, papasukin niyo na lang ho. Dito niya na lang kasi kami iintayin. Salamat po, una na po muna ako. Balik na lang kami mamaya kasama si Bei" wika ni Tots sa mga bodguards ni Deanns at agad na ring umalis
Tumakbo si Tots pabalik kina Ced at Bei
"Okay na. Sorry sa abala" wika ni Tots
Pasimpleng nagkatinginan naman sina Ced at Tots. Hudyat na sumasangayon ang lahat sa kanilang plano.
Agad na pasimpleng tinext ni Ced si Jema nang makapasok sila sa Elevator.
Sa kabilang banda ay natanggap na ni Jema ang text message na galing kay Celine. Dali dali itong tumungo sa kwarto ni Deanns
"Good morning po, ako po yung kaibigan nila Bei, naibilin na daw po sa inyo na dito ako magiintay?" Wika ni Jema
"Ay, opo. Kaaalis alis nga lang din po nila" wika nang isang guard
"Ah eh opo, nakasalubong ko nga din po sila. Ang sabi sakin ay dito na lang ako magintay, para may kasama po si D--Deanns" wika ni Jema, sa isip isip nito ay laking pasalamat niyang mabilis itong nakaisip nang idadahilan.
"Sige po ma'am, pasok na po kayo" Wika nang guard.
Agad na pumasok sa loob si Jema. At nang abot tanaw niya na ang katawan ni D ay biglang bumilis ang tibok nang puso nito. Kinakabahan man ay pinilit ni Jema na makalapit dahil bilang lamang ang oras na mayroon sila.
Maliban sa gustong makausap ni Jema si Bei ay umaasa ang dalaga na makapag baka sakali sa ideyang pilit bumabagabag sa kaniya.
"Kung ang sabi mo ay nagising ka noong hinalikan kita kahit kaluluwa ka lamang, hindi kaya ay magising ka na nang tuluyan kung hahalikan kita sa mismong labi mo" wika ni Jema sa sarili
Marahan nitong pinagmasdan ang itsura nang walang malay na binata. Tinignan niya itong mabuti nang malapitan na animo'y kinakabisado ang mukha nito. Pumapayat k na D, kailan ka ba magigising?
Sa kabilang banda naman ay lingid sa kaalaman nila Tots ay palihim na nagrereport ang mga guards kay Bei kahit wala ito roon ay bantay sarado nito kahit ang pagpasok nang bawat nurse rito.
Nakatanggap nang mensahe si Bei mula sa guard na may pumasok raw na kaibigang dalaga sa kwarto ni Deanns. Hindi pinahalata ni Bei ang pagtataka sa nabasa. Ang alam nito ay mamaya pang hapon ang dating ni Jho sa Hospital, nakasanayan rin nito na palaging magtetext sa kaniya dahil mahigpit na ibinilin ito nang Ama ni Deanns na bawal maski ang surprise visit.
Nagpaalam si Bei na sa dalawa na magbabanyo lang at nagbilin na umorder na. Tahimik at mabilis itong tumungo pabalik sa Hospital upang maabutan ang babaeng tinutukoy nang mga gwardya sa labas nang kwarto ni Deanns.
Sa kwarto ni Deanns
Marahang tinanggal ni Jema ang nakatakip na oxygen mask sa bibig nang binata, pinagmasdan nito ang halos mamutla na labi nito bunga nang matagal na pagkaka coma.
Inilapat ni Jema ang labi niya sa mga labi ni Deanns, at nang makalipas ang tatlong segundo ay binalik nito ang oxygen mask sa bibig nang binata.
Hinintay ni Jema ang magiging reaksyon nang katawan ni Deanns...
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin ito nagising, at kahit ang kaunting pagtaas nang Heart Rate nito ay hindi masyadong nagbago.
Napabuntong hininga na lamang sa Jema sa pagkadismaya. Pakiramdam niya ay napakatanga nang kaniyang naging ideya.
"Excuse me, Miss..."
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...