JEMA'S POV
"J, I think I'm already dead" seryosong tugon ni D
pilit kong binabasa sa mga mata nito kung ano ang iniisip niya, ngunit wala akong makuhang sagot
"D, alam ko...
Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito
"Jessica, I'm serious. That's the reason why your friend can't see me. Besides milo, your dog, have you seen anybody else talked to me? Wala pa diba?
I've been contemplating few days ago kung bakit parang ikaw lang ang nakakakita sakin. I have confirmed it nung makita kong wala akong reflection sa glass, when I tried to look for you, one time.
I don't know what happened.
I don't remember how I died.
I can barely remember memories from my past.
I don't talk that much because wala akong maalalang mga bagay na pwede kong ikwento sa'yo. Limited lang ang naaalala ko, that's why D lang ang pinakilala ko sa'yo. Cause I don't even remember my name!
When you asked me to take a picture with you, God knows how I love to take a photo, most especially with someone close to me, but I can't. Kung yun nga lang nakita ko ang sarili ko na walang reflection, what more when we took a photo pa kaya diba?
Remember when you tried to take a stolen shot of me, you said nag lag lang yung phone mo, but the truth is, wala ka lang talagang macacapture sa akin.
I really wanted to tell you about it pero I was afraid. I'm scared na baka layuan mo ko after you find out the whole truth"
Huminga muna nang pagkalalim si D saka muling nagsalita
"Jessica, I know maaari kang matakot o layuan mo ko... But, you are my only friend. Ikaw lang ang nakakakita sa akin... Ikaw lang ang nakakahawak sa akin. Ikaw lang ang nahahawakan ko.
At ikaw lang ang makakatulong sa akin.
Jessica, I need your help
...Please?"
Pagsusumamo ni D.
Umaagos na ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay D, pero unti unti na akong nagkakaroon nang realization.
Unti unti nang nagsisink in sa akin ang mga sinabi niya.
Kung bakit bigla na lang siyang sumusulpot kapag ako lang magisa. Kung bakit si milo pa nga lang talaga ang nakahalubilo niya. Kung bakit wala ngang reaksyon si Celine noong pinakilala ko siya.
Kung bakit parang nagbago siya at naging maingat sa mga kinikilos niya. Kung bakit ayaw niyang magkapicture kaming dalawa.
Kung bakit isang beses na pinicture-an ko siya nang stolen ay walang lumabas na imahe niya at akala ko ay nag lag lang ang camera ko nung kinuhaan ko siya nang litrato.
Bakit?
Bakit si D pa?
Unti unti akong humakbang palayo sa kaniya, nakikita kong gusto niya kong pigilan ngunit natatakot siyang baka bigla ko siyang layuan nang tuluyan, ipagtulakan at katakutan.
Hanggang sa mamalayan ko na lang na andito na ko sa labas nang aming bahay.
Kumaripas ako nang takbo palayo kay D. Naalala kong puno nang pagaalala ang kaniyang mukha nang huli ko itong makita.
Agad akong nagpunas nang luha at nagmadaling pumunta sa aking kwarto.
Buti na lamang at busy pa si nanay sa likod nang bahay at mukhang wala pa si tatay. Sa mga oras na ito naman ay sigurado akong pauwi pa lamang ang mga kapatid ko.
Naglock ako nang pinto at inihagis ang aking katawan sa higaan.
Hindi pa din mawaksi sa aking isipan ang naging usapan namin ni D.
Isa lang ang pinakabumagabag sa akin.
Yun ay kung bakit siya pa?
Sa lahat nang makikilala ko, bakit siya pa?
Kung kailan nahuhulog na ang loob ko sa kaniya...
Bakit ako nagmahal nang isa nang yumao?
Agad namang nabaling ang aking pansin nang nagsimulang dilaan ni milo ang nakalaylay kong mga kamay...
Kinuha ko ito at ipinatong sa aking mga binti
"Hello, Baby Milo, alam mo din bang multo na siya? Kaya ba hindi ka mapakali sa tuwing makikita mo siya?" tanong ko kay milo. Kala mo naman Jessica sasagutin ka niyan ni milo? Buang ka talaga.
Pero ni minsan hindi umakto nang galit o naaalarma itong si milo, siguro ay alam nitong hindi naman gagawa nang masama si D.
Matagal tagal na kaming magkakilala nitong si D pero ni minsan hindi ito gumawa nang masamang bagay sa akin
Siguro naman wala siyang masamang pakay.
Naaalala ko ang huling salitang binanggit niya saakin... Kailangan niya nang tulong
"Mabait naman si D, hindi ba milo?" Tanong ko kay milo.
Ngayon ko lang napansin, hindi lang pala aso ang kinakausap ko... Pati rin pala multo.
Bakit ko nga ba siya tinakbuhan? Naging mabuting kaibigan naman siya sa akin... Ako ata itong hindi naging mabuti sa kaniya.
Ang sabi niya tulungan ko siya. Pero paano? Kung sa kaniya na mismo nang galing na ni-hindi niya maalala yung tunay niyang pangalan.
Masyado akong naka focus sa problema namin ni D, nang bigla kong maalala
...Si Celine! Nakalimutan ko na ding balikan si Celine. Malamang ay nagtataka na yon sa nangyari kanina.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o ililihim ko na lang muna. Natatakot din akong baka hindi niya maintindihan yung sitwasyon ko ngayon.
Isinalampak ko na lang ang mukha ko sa aking unan dulot nang kahihiyang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...