THIRD PERSON'S POV
"Okay okay, bad joke. Stop playing na" sagot ni Bei kay Deanns
"I'm not" seryosong sagot ni Deanns
Agad namang tumakbong yumakap nang mahigpit si Jema kay Deanns
"Sorry, but who are you?" Wika ni D na nagpatigil nang mundo ni Jema
Kumalas ito sa yakap at tinignan siyang mabuti sa kaniyang mga mata. Pilit nitong binabasa ang iniisip nang binata sa kaniya
"Seryoso ka ba talaga?" Tanong ni Jema kay Deanns
"I don't mean to be rude pero can you please get off me?" Tanging naging sagot nito. Nakakunot lang ang noo nito
"Shit" mahinang sambit ni Tots
"Ahm... Classmates mo sila sa Adamson ni Deanns. Nagkataon na dumalaw sila rito, kaya andito sila ngayon" pagpapalusot ni Bei habang hinihila palayo si Jema kay Deanns
"Ahh, ganun ba?" maikling sagot ni Deanns sabay tango nito sa pagsang ayon
Agad namang lumapit si Celine at nakipag kamay
"Celine Domingo, Ced na lang. Napakilala ka na sa akin ni Charles, yung katabi mo sa isang subject natin sa Uni" wika ni Ced
Inabot naman ni Deanns ang kamay ni Celine
"Ohh, Yes. Right. I remember you. Hi, Ced" nakangiting bati ni Deanns
Napalingon naman si Deanns kay Jema at nagiintay na magpakilala din ito sa kaniya. Napatingin pa si Jema sa mga kaibigan na sumesenyas na lapitan din si Deanns
"ahm, Jessica Margarett Galanza. You can call me Jema or J na lang" wika ni Jema sabay nahihiyang lahad nang kanang kamay
"Jema. Nice to meet you" nakangiting sagot ni Deanns sabay abot sa nakalahad na kamay ni Jema
Hindi naman maiwasan malungkot ni Jema sa narinig sapagkat sanay ito na 'J' ang tawag sa kaniya nang binata. Tanging si Deanns lamang ang tumatawag sa kaniya nito.
Nabalot nang katahimikan ang kwarto na parang nagiintayan sila kung sino ang babasag nito. Napansin ni Jho ang awkward atmosphere sa loob. Si Jema at Ced kasi ay ilang beses niya pa lamang din nakakasama nang minsang ipakilala sila ni Bei sa kaniya.
"Kamusta ang pakiramdam mo ngayon Baby Deanns?" tanong ni Jho, ito na din kasi ang tumayong ate niya sa loob nang maraming taon.
"Medyo okay naman po ate Jho" sagot ni Deanns
"Ahm, Jho, ikaw munang bahala kay Deanns lalabas lang kami saglit nila Jema hah" wika ni Bei kay Jho, tumango naman sa kaniya ang dalaga.
"Pasensya na kayo Jema kung iyon ang pakilala ko san inyo kay Deanns hah, hindi kasi pwedeng mapressure si Deanns sa pagiisip" wika ni Bei
"Okay lang yun Bei, walang problema. Tama naman talaga ang pakilala mo. Marahil ay hindi niya na nga kami maalala. Dahil kung tutuusin, Unconscious naman talaga siya noong nakilala niya kami." sagot ni Jema
"pero paano yung mga ala-ala niya? tingin mo ba babalik pa yon? paano kung hindi?" sagot naman ni Ced
"Okay lang, edi gagawa na lang ulit tayo nang mga bago. Ang importante gising na siya" sagot ni Jema
"Wag kayong magalala Jema at Ced, kung talagang hindi na babalik ang ala-ala ni Deanns noong kaluluwa pa siya, tutulungan na lang namin kayong gumawa nang bago hanggang maging malapit ulit kayo sa isa't isa. Wag mong kakalimutan Jema, maalala pa din nang puso kung anong hindi na kayang maalala nang isip" nakangiting wika ni Tots habang pinagagaan ang loob nang kaniyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...