DEANNS' POV
After namin kumain ay tumulong kaming magligpit nang pinagkainan kahit ayaw nila manang eh ininsist pa din namin. Agad agad naming sinumulan ang inuman at masasabi kong grabe!
Grabe si Pongs! habang may hawak kaming tag iisang bote nang beer ay nagpapaikot din siya nang isang baso nang Vodka!
"Hoy! Tony Timothy Carlos! ano yan? panis na yung alak diyan sa'yo! apakatagal naman gumalaw niyan!" sigaw ni Ponggay na nakaupo sa kabilang dulo ni Tots
"Oo na, eto na. Tae ka? Ano may lakad lang? Madaling madali?" angal ni Tots sabay tagay nang inumin
"Iinumin mo din naman pala napakadami mo pang angal dyan" sagot naman ni Ponggay habang hinihintay makabalik yung baso sa kaniya
"may balak ka bang patayin kami sa alak? hah?" angal muli ni Tots
"ang OA mo Toti Marie, napaka weak mo naman kung ganon" asar ni Ponggay habang sinasalinan yung basong kaabot lang sa kaniya
"Ah, ganon? Halika dito. Ikaw papatayin ko ngayon" sambit ni Tots sabay tayo
si Ponggay naman binitawan yung alak na hawak niya at nagtatakbo. Ayun paikot ikot silang naghahabulan sa paligid namin. Habang si Bei kanina pa vinivideohan yung kalokohan nila.
Madapa dapa pa si Tots na hinahabol si Ponggay hanggang sa umabot na sila sa may dalampasigan sa kakatakbo
"Woooh! Go Lablab!" sigaw ni Celine habang nagtatatawa sa kanila
"Supportive Girlfriend yarn?" sagot ni Ate Jho sabay tawa ulit
"Guys, check this" sabi ni Celine sabay kindat samin
"Go Lablab! hindi ka makakaiscore sakin mamaya kapag hindi mo nahuli si Pongs!" sigaw ni Celine sabay halakhak
Si Tots naman mapatidpatid na napanganga sa sinabi ni Celine. Nang bumalik sa ulirat si tanga ayun daig pa yung nakainom nang isang kahong Enervon. Biglang naging hyper lalo, nagsisisigaw na hinabol si Ponggay
"Waaaaahhhh! Ponggay power yari ka sakin ngayon! hindi kita tatantanan! kung ako sa'yo magpahuli ka na lang!" sigaw ni Tots na parang asong ulol
"Waaaah! yaw ko na Tots! bwisit kaaaa!" sigaw ni pongs while running for her life
at in the end ay nahuli din ni Tots si Ponggay nang matisod na to kakatakbo sa buhanginan. Hingal na hingal at halos gumapang yung dalawa pabalik sa mga upuan nila.
"Paano ba yan lablab, mukhang may hindi makakatulog mamaya ah" sagot ni Tots sabay kindat kay Celine
"Ewan ko sa'yo. Buti kung gising ka pa din mamaya, for sure tataob ka maya maya lang" sagot ni Ceddie sabay irap
"Hahahahaha you wish lablab!" nakangising sagot ni Tots
"Tangina ka Toti, hindi mo talaga ko tinantanan" angal ni ponggay na hingal na hingal na sumalampak sa upuan niya
"Syempre! iba na ang may premyo" sagot ni Tots sabay taas baba nang mga kilay niya kay Celine. Si Celine naman napairap na lang kay Tots
"Ang lupet mo ced, para ka lang nagistart nang chainsaw sa ginawa mo" sabat uli ni Pongs
"Oo, chainsaw massacre" sagot ko sabay tawa
Nagpatuloy kami sa inuman, at totoo nga ang sinabi ni Bei kanina. Walang titigil hanggang magsuka nang bungo, dahil sobrang walwal kami ngayong gabi lahat kami lasing na lasing.
Si Jessica at Roma lang ang hindi uminom nang madami. Kahit sobrang hilong hilo na ko ay alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko. Nakita kong sina Tonyo at Cardo na ang nagbuhat kina Bei at Tots pabalik sa kwarto nila, Habang sa mga girls naman ay pinagtulungan na nila Jessica at Roms, pati si manang na mukhang nasa kalagitnaan nang tulog niya ay nagising upang tulungan ipasok yung mga girls na kasama namin sa mga kwarto nila.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...