XXVIII. UNWELL

665 25 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Magiisang oras na itong nagiintay, naisip ni Deanns na baka dumating na sina Cardo at Tonyo, hihintayin niya na lamang ang dalawa para makapag charge nang kaniyang phone. Naalala nito ang kanilang naging paguusap kanina kaya natagalan ito

*****

Flashback:

"Tonyo, Cardo sige na naman, pumayag na kayo. Ibalato niyo na sakin to." wika ni Deanns habang nagmamakaawa sa dalawang bodyguard nito

"Hindi nga po pwede Boss D, huling beses kaming pumayag na maiwan kayo ay napahamak kayo. Baka kapag napano pa po kayo ngayon ay matanggal na kami nito sa trabaho" tanggi ni Tonyo

"Okay sige, Isang oras... Kahit isang oras lang, payagan niyo ko na masolo ko si Jessica. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa loob lamang nang isang oras diba? After non, imemessage ko kayo. Pero gusto ko nakatanaw lang kayo sa malayo hah. Wag kayong lalapit o iistorbo sa amin hangga't wala kong permiso. Okay na ba yon?" offer ni Deanns sa dalawa

Nagkatinginan naman sina Cardo at Tonyo. At kahit ayaw nilang pumayag ay pinagbigyan na lang nila si Deanns dahil sa pagmamakaawa nito, at suporta na rin sa lovelife nang kanilang amo.

"Basta wag mo kaming papatayan nang phone hah" wika ni Cardo, may GPS locator kasi ang mga ito na connected sa phone ni Deanns para sa seguridad nito

"Oo naman, bakit ko naman kayo papatayan nang phone no? Sige na. O ito, kain muna kayo sa labas habang iniintay niyo ko" wika ni Deanns sabay abot nang dalawang libo

"Ang laki naman po nito, sobra sobra po ito" tanggi ni Tonyo at Cardo

"Kunin niyo na yan, bumili kayo kahit anong gusto niyo. Maliit na halaga lang yan Tonyo at Cardo kumpara sa serbisyo na binibigay niyo sa akin. Isang oras lang, okay? Kahit isang oras lang..." wika ni Deanns. Wala naman nagawa ang dalawa kundi ang tanggapin na lamang ito.

End of Flashback

****

"Tonyo, Isang oras na, hanapin na natin si Boss D" wika ni Tonyo habang kumakain nang Ice cream, tumango naman si Tonyo at kinuha ang phone nito.

Napakunot ang noo nito nang hindi niya macontact si Deanns, agad nitong chineck ang GPS locator ngunit naka off ang phone ni Deanns

"Cardo, nakapatay ang phone ni Boss D" wika ni Tonyo

"Ano?" wika ni Cardo

"sa Parking nang School ang last location niya sa GPS" wika ni Tonyo

"Mabuti pa dun natin siya simulang hanapin... Sana andun lang siya" sagot ni Cardo

Madali nilang pinuntahan si Deanns sa Parking nang School. Palinga linga ang dalawang hinahanap si Deanns sa Parking nang School nito. Dumagdag pa ang napakalakas na ulan na lalong nagpahirap sa kanila upang mahanap ito.

Pabalik na sana si Tonyo sa sasakyan nang biglang mahagip nang mata nito ang nakaupong pigura nang lalaki sa may isang Shed sa may kalayuan.

"Cardo! dito!" sigaw ni Tonyo kay Cardo sabay patakbong lumapit sa lalaki

"Boss D?" wika ni Tonyo nang makalapit ito. Nanlaki ang mata niya nang makumpirmang si Deanns ito. Basang basa ito nang ulan, nakayakap ang mga kamay nito sa kaniyang tuhod at nakapikit na nanginginig dulot nang lamig nang lakas nang hangin.

Mabilis na hinubad ni Tonyo ang Jacket na suot nito at pinulupot kay Deanns. Kinarga nito sa kaniyang likod si Deanns at inutusan nitong ilapit ni Cardo ang sasakyan.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon