LV. REVELATIONS 2.0

627 19 0
                                    

JEMA'S POV

"Cy"

Tanging salitang nasambit ko

Ngayon ko lamang siya nakita ngunit nakasisiguro ako na siya ito dahil nakita ko na siya sa mga pictures na pinakita nila D at Bei noon.

"Of course you know me" sagot nito sabay ngumiti

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya

"I just saved your life, lady. You should be thankful" plain na sagot nito, nakatayo lang ito at nakapamulsa

He's on his semi-formal clothes. Dark Grey plaid pants and a plain white long sleeve shirt na nakatupi into three fourth.

"Thankful? Why should I? Is this some part of your act na ipapadukot mo ko tas palalabasin mong niligtas mo ko sa masasamang tao? Pwes, you should know na hindi ako pinanganak kahapon" stern kong sagot sa kaniya

"No wonder why my cousin like a girl like you. You have such an interesting personality" sagot nito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Don't go friendly on me. I know who you are... Hindi ka pa nakuntento sa pagtangka mong pagpatay sa pinsan mo, pinadukot mo pa ko. You are so heartless. When will you stop listening to your father?" sagot ko sa kaniya.  Nakita ko namang biglang sumeryoso ang itsura nito

Mukhang mali ata na galitin siya.

"Don't act like you know me. You don't know who I really am at kung ano ang kaya kong gawin" wika nito, hindi naman ako sumagot sa kaniya

"You said something about my father, I guess that's what they belie is true... This is why I wanted to talk to Deanns. Pero masyadong mahigpit ang guards nila. At lalong hindi pwedeng malaman nang Dad ko na nangingielam ako" dagdag niya

Agad na kumunot ang noo ko

"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya

"I'm not an enemy Jessica. I'm trying to protect my cousin... from my father." Wika nito

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Totoo kaya ang sinasabi nito?

"If you'll allow me, I'll tell you my side of story" wika nito

Inaya ako nitong umupo sa sala kahit nagdadalawang isip ay sumunod na lang din ako. Ayoko namang galitin to, wala akong palag dito.

Sa mga oras na ito ay dapat na sundin ko lang ang sinasabi nila upang hindi ako lalong mapahamak

"The guys earlier, yung mga dumukot sa'yo... tauhan sila ni Dad. Oo, pinadukot ka ni Dad. I don't know what his plan is, I tried really hard to earn his trust pero hindi pa rin niya ko pinagkakatiwalaan kaya hindi ko alam kung paano ko kayo matutulungan. Hindi ko alam kung anong eksaktong pinaplano ni Dad, nakamasid lang ako sa kung anong susunod niyang hakbang.

Gaya na lang nang ginawang pagdakip sa'yo. Buti at may nakamanman sainyo na tauhan ko nun, nang makita ka niyang dinudukot ay agad itong nagreport sa akin, pinasundan kita habang papunta pa lang kami. Mabuti ay naabutan namin kayo bago ka nila tuluyang madala kay Dad." Sagot nito

"Pero paano mo maipapaliwanag yung ambush na ginawa niyo kay Deanns na muntik niyang ikamatay?" Tanong ko muli sa kaniya

"Yung mga lalaking dumampot sa'yo, they were the same guys na nagtangkang pumatay kay Deanns. Dalawang sasakyan ang naatasang patayin siya nang araw na yon, gusto nilang palabasin na aksidente ang nangyari. I tried to stop them but I was a little bit late, naaksidente na si Deanns. They wanted to make sure na mamamatay siya pero nagsinungaling ako, I told them na may papunta nang police para mapaalis na sila, pagkaalis nila ako na mismo kasama nang mga tauhan ko ang sumugod kay Deanns sa hospital. Pero hindi na ako nagtagal pa, hindi nila pwedeng malaman na ako ang nagdala sa kaniya sa hospital" wika ni Cy

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon