I. IT'S J

3K 42 0
                                    

JEMA'S POV

"JESSICAAAAAAA!"


Napabalikwas ako nang aking higaan sa dumadagundong na ingay nang aking ina

"Pakshit! Ang aga aga daig pa nang Goodbye Philippines yung bunganga ni nanay" sambit ko habang hinihimas yung pwet ko.

Paano ba naman, nalaglag lang naman ako sa higaan bunga nang napaka ingay na boses nang aking napakagandang ina.

"Ate, ano wala ka pa din balak lumabas nang kwarto mo? Ngayon ka pa lang nagising e pang sampung sigaw na ni nanay yan sa'yo" sumbat ni mafe habang naka pamewang na nakatayo sa harap nang aking pinto

"Eto na tatayo na nga diba? Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya na may kasamang irap

"6:45am, di ba 7am ang klase mo ate?" Sagot niya habang nakangisi

"Oo, ala-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang manlaki ang aking mga mata, lumingon ako sa orasan sa ibabaw nang bedside table ko at nang makitang totoo nga ang sinasabi niya ay agad akong kumaripas nang takbo papuntang banyo, nagmadali akong kumilos.

Hindi na ko nakapagalmusal, humablot na lang ako nang dalawang tinapay na may palamang itlog at hotdog sa lamesa, nagpaalam na ako kay nanay na busy sa paghahain sa lamesa at kay tatay na nagkakape habang nagbabasa nang dyaryo, saka nagmadaling tumakbo papuntang sakayan.

Ngayon ang unang araw nang klase namin at ako ay nasa huling taon na nang aking pagaaral sa kolehiyo. Hindi ako pwedeng malate, balita ko ay terror ang professor namin sa first subject na to. Malalagutan talaga ako kapag nalate ako.


malapit na ako sa aking classroom nang bigla akong may makasalubong na lalaki, agad nagtalsikan ang mga gamit ko

nagmadali akong pinulot ang mga ito at gayon din siya

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin" sambit niya habang patuloy naming pinupulot ang aming mga gamit

"O-okay lang, ako rin naman" wika ko

nang kukunin ko na ang natitirang ballpen sa sahig ay di sinasadyang nagkasabay kaming kunin ito. Lumapat ang malambot nitong mga palad sa aking mga kamay at nakaramdam ako nang kuryente. Batid kong naramdaman niya din iyon dahil mabilis niya ring binawi ang kaniyang mga kamay.

"Sorry again... una na ko hah. Ingat ka miss" sambit nito. hindi siya tumingin sa akin at nagmadali nang umalis.

"Te-teka..." hindi ko na siya nahabol, naiwan niya kasi itong Flashdrive niyang Batman na may initials na D.X.W.

Sayang, hindi ko man lang nakita ang mukha nito. Tanging ang makapal na kilay at patulis na mga mata lamang nito ang aking nakita, nakahoodie din kasi 'to.

Sana makita ko pa ulit siya, mukha pa namang importante ang mga laman nito.


Luckily umabot ako sa aming klase, saktong pagupo ko ay ang pagpasok nang aming Professor. Luckily mas late ito kumpara sa akin.

Lumipas ang oras at lunch break na namin, kasama ko ngayon ang aking kaibigan na si Celine Domingo or Ced for short

"Bes, grabe ang gwapo gwapo talaga nang bago nating classmate, ano?" wika ni Ced

"Bago? hah? may bago ba tayong classmate? bakit hindi ko napansin?" tugon ko sa aking ngayo'y nakangangang hindi makapaniwalang kaibigan

"Bes, first day pa lang lumulutang na agad ang utak mo? Halatang hindi ka nakikinig sa klase natin kanina. Isang subject lang pa naman natin yun kaklase tapos na-missed mo pa? Ibang klase ka talaga" pangaral sakin ni Ced

"Sensya na, inaantok pa kasi talaga ako" sagot ko rito

"wag mo sabihin pinuyat ka na naman niyang anonymous chatmate mo?" tanong ni Ced

"sabi niya kasi malapit na kami magkita, nag-enroll din daw kasi siya sa School natin." nahihiyang sagot ko kay Ced

"Talaga?! Oh ano na daw sabi niya? Kailan daw kayo magkikita?" excited na tanong ni Ced

"Dapat ngayon... kaso may biglaang importante daw siyang aasikasuhin." malungkot kong tugon sa kaniya

"Nako, baka pinagtitripan ka lang niyan hah, Siguro pangit talaga yang ka-chat mo kaya nahihiyang magpakita sa'yo. Pupusta ko mukhang praying mantis yang ka-chat mo." wika ni Ced habang paupo na kami sa pinakadulong table dito sa Cafeteria.

"Alam mo Bes, ilang beses ko na sinabi sa'yo na walang kaso sakin kung pangit siya o hindi. Kahit mukha pa siyang Praying Mantis o Komodo Dragon o kahit Frill-necked Lizard pa yan... Ang mahalaga sakin ay magkita na kami nang personal. Ang mahalaga ay sana kung gaano siya kabait sa tuwing kachat ko siya ay ganun din siya sa personal."

"Bes, malapit ka na talagang maging patron of saint dyan sa mga ginagawa at sinasabi mo eh, kumain na nga lang muna tayo." aya ni Ced

Natapos ang buong araw na halos walang ginawa sa klase, typical first day of class. Magpakilala sa mga bagong prof na makakasalamuha this sem.

Habang naglalakad na kami pauwi ni Ced ay nagkukwentuhan kami

"Alam mo bes, nadinig ko kay Charles na yung Classmate nating si Chinito, yung gwapo na tinutukoy ko sa'yo nung first subject... Alam mo bang sikat na sikat daw yon sa Ateneo? hindi nga din niya alam kung bakit lumipat dito sa School natin, samantalang Hello! Ateneo na yun oh..." daldal ni Celine sakin

"Baka naman tight sila sa budget this sem kaya lumipat muna sa Uni natin" sagot ko naman sa kaniya

Hindi naman ganun kamura ang tuition sa University na pinagaaralan namin ni Ced, as a matter of fact, Mahal din ang tuition dito. Nagkataon lang na Athlete's kami nito ni Celine kaya kami nakapag aral dito. At isa pa doon, ang pag nailed namin sa entrance exam na nakuha namin, 100% free tuition with allowance pa tuloy kami ngayon. Pero kung ikukumpara mo naman ang tuition sa Ateneo ay aabutin ito nang mga almost siguro triple nang tuition sa University namin.

"Naku, hindi bes! Sobrang yaman daw nun sabi ni Charles. Sikat nga daw kasi yun sa Ateneo. Saka medyo nakikila-kilala na din nang taga ibang Uni, Basketball and Volleyball Player kasi nang Admu, o diba bongga?!" pag depensa ni Celine

"Basketball Player? Baka babaero din yan hah, nako Celine! Sinasabi ko sa'yo, layu-layuan mo na. Bago ka pa madagwit! Agila pa din yan noh"

"Wow! Jemalyn! Makastereotype ka din e noh, porket basketball player e babaero na. Itulad mo pa yan dun sa pinatulan mong Ricciboy na super babaero, hindi naman gwapo! Sus, if I know, napilitan ka lang sagutin palibhasa nakulitan ka" sumbat ni Celine sa akin

"Hoy, grabe ka naman dyan, syempre napamahal na din naman sa akin yung tao. Sa tagal niya ba namang nanligaw nun"

"Anim na buwan, kulang pa nga yun sa katulad niya, saka jusko apat na buwan lang naging kayo. If I know kaya siya nangati kasi hindi ka niya mauto uto na ibigay mo sa kaniya yang perlas nang silanganan mo noh, saka mas mainam nga yon e. Nakatikim pa siya ngayon nang magasawang sampal! Huh! Desurv!"

Parang buang to, may pa reenactment pa nang sampal. Minsan iniisip ko din kung paano ko naging kaibigan to eh. Di kaya ginayuma lang ako nito para maging close kami? Sorry bes!

"Kung makasumpa ka naman sa tao, ikaw sinaktan? Ikaw niloko?" Natatawa kong sagot rito

"Hindi, pero bilang pinakamaganda mong Bestfriend, may karapatan akong ipagtanggol ka sa mga taong nananakit sa'yo" sagot nito sabay akbay sa akin

"Ikaw lang naman bestfriend ko eh, maka pinakamagandang bestfriend ka pa dyan" tugon ko naman sa kaniya sabay siko nang mahina sa tagiliran niya.

"Alam mo nagutom ako sa daldalan natin, pakain na lang ako" wika ni Celine nang saktong makarating kami sa aking bahay.

Malapit lang naman ang bahay nila Celine sa amin, mga anim na bahay lang ang pagitan. Bata pa lang ako ay magkaibigan na kami, kaya naman kabisado na namin ni-utot nang isa't isa.

At masasabi ko din naman na sobrang malapit kami sa pamilya nang isa't isa.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon