JEMA'S POV
Nagpunta ako dito ngayon sa aming secret meet-up place ni D, nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at nakatingin sa malayo
"Care to share?" Tanong ko kay D sabay upo sa tabi nito
"Oh, you're here na pala" wika ni D sabay tingin sa akin
Huminga siya nang malalim at binalik ang tingin sa malayo
"I just can't believe na nagawa sa akin yon ni Cy. Sobrang close kami noon, we promised each other to keep in touch pa nga eh, until all of a sudden we lost communication. I knew it was his father's fault. Masyado kasing sakim at bitter si Uncle. Hindi niya talaga tinantanan si Dad. If Dad heard about this, he'll be flaming mad at baka mawalan na sila nang tuluyan nang karapatan sa mana nang lolo namin" malungkot na wika ni D
"I really need to wake up na J, bago pa nila masaktan si Daddy" dagdag nito
Sa tagal nang aming pinagusapan ay hindi na namin namalayan na magdidilim na pala. Halos mag gabi na nang magdesisyon akong umuwi, Sinamahan na lang ako ni D dahil mapanganib na sa daan.
Habang naglalakad ako ay napansin na namin ni D na parang may nakasunod sa amin. Lalo akong kinabahan dahil ang daang tinatahak ko ay papadilim na gawa nang mga sirang poste nang ilaw.
"Wag kang pahahalata J, diretso lakad lang okay" wika ni D habang pasimpleng pinapakalma niya ako. Unti unting bumibilis ang lakad ko, gayun din ang bilis nang mga nakasunod sa akin.
Ilang sandali pa ay may isang lalaki na ang humablot nang aking kamay
"Miss Galanza, sumama ka sa amin" wika nito
"Ano ko tanga? Bitawan mo ko!" Sinubukan kong pumiglas ngunit lalong humigpit ang kapit nito, kasunod nito ang paghawak na din sa kabilang braso ko nang isa pang lalaki.
"Bitawan niyo ko! Saklolo! Tulong!" Nagpupumiglas ako at nagsisigaw
"J! Bitawan niyo siya!!" Nakita kong hindi alam ni D kung paano niya ako matutulungan
Unti unti na nila akong kinakaladkad papalapit sa isang itim na Van nang biglang...
"Jessica!!!" Kasabay nang sigaw ni D ang biglaang pagkahagis nang isang matigas na bloke na diretsong tumama sa ulo nang lalaking nakahawak sa akin.
Agad itong nawalan nang malay at nabitawan ako.
Bumato pa nang isa si D at tinamaan ang isa pang lalaking nakahawak sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ito, samantalang limitadong mga bagay lamang ang nahahawakan nito.
Ang pagkabitaw nila sa akin ang naging hudyat nang pagkaripas ko nang takbo.
Lumingon lingon pa din ako kay D kahit dirediretso akong tumatakbo
"Run! Just Run and Don't you dare look back, J!" Sigaw nito
Nakita kong nakaluhod na ito na para bang nanghihina. Ngunit ang utos pa rin ni D na paglayo ko ang inuna ko. Naniniwala akong matatawag ko ulit si D.
Sana ay okay lang siya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay, dali dali akong tumakbo papasok nang aking kwarto. Nadinig kong tinawag pa ako ni Ate Jov pero hindi ko na ito pinansin.
Huminga ako nang malalim at pumikit, pilit kong tinawag si D sa aking isipan. Sa pagdilat muli nang aking mga mata ay wala pa rin siya sa aking kwarto.
Asan ka na ba D?
inulit ulit ko lang ito, ngunit wala pa din siya. Naalala ko ang nangyari sa amin noong biglang nawala si D. Agad kong kinuha ang aking phone at dinial ang number ni Bei
"Bei, si D" sambit ko pagkasagot ni Bei nang kaniyang phone
"Jema, a-andito ko ngayon sa Hospital... Ni-rerevive nila s-si Deanns" nanginginig na sagot ni Bei mula sa kabilang linya
tila nanlambot ang mga tuhod ko bigla at napaupo ako sa aking higaan
"Pu-pupunta ako dyan Bei, hintayin mo ako" sagot ko sa kaniya
"Sige Jema, isama mo na rin sina Tots at Ced. Magiingat kayo" sagot ni Bei mula sa kabilang linya
Agad kong tinawagan si Ced at nagkita kami sa labas nang bahay. Dumiretso kami sa Hospital at sa Entrance na nang Hospital namin kinita si Tots na kabababa lang din nang kaniyang sasakyan.
Halos tumakbo na kami sa bilis nang lakad namin papunta sa kwarto ni D.
Nakita namin si Bei at Jho na nakatayo sa labas nang kwarto ni D
"Ano nang nangyari?" tanong ni Tots
"Nasa loob pa din ang mga Doctor" sagot ni Jho, si Bei ay halos mangiyak na nakatanaw lamang sa pinto nang kwarto ni D
"sina Tito Dean?" tanong ulit ni Tots
"Kaalis lang uli nila kaninang umaga papuntang Albequerque" sagot muli ni Jho at tumango lang si Tots at tahimik na naupo sa tabi ni Celine sa labas nang kwarto ni D
Tanging lakas nang kabog nang dibdib ko lamang ang naririnig ko sa mga oras na ito.
Halos tatlumpung minuto ang lumipas nang lumabas ang mga Doctor at Nurse sa kwarto ni D
"Kayo ba ang Guardian nang pasyente?" tanong nang Doctor kay Bei
"Opo, ako po." nangangatog na sagot ni Bei
"Okay na ang pasyente. Gising na siya." sagot nang Doctor
halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi nang Doctor. Mixed Emotions. Awa nang diyos ay okay na siya... teka, sinabi niya bang Gising na si D?
"P-po?" tanong ni Tots
"Yes, tama ang nadinig ninyo. pero I suggest na iwasan po muna natin ang mga bagay na makakapag pa-stress sa pasyente. Wag po muna tayo magtanong nang mga bagay na nangyari sa kaniya before the accident. Hayaan po muna natin ito na unti unting makarecover." wika nang Doctor na sinangayunan nang lahat
"Maiwan ko po muna kayo, ang mga nurses na lang muna ang bahala sa pasyente" wika nang Doctor
"Maraming salamat po Doc" sagot ni Bei sabay punas nang pumatak na luha sa kaniyang mukha.
Kinakabahan man ay pumasok na kaming lahat sa loob nang kwarto ni D.
"Deanns!" sigaw ni Tots sabay patakbong yumakap sa kaibigan nito
Nakangiti namang sinalubong ni D ang kaibigan, sumunod din na yumakap si Bei kay D at sunod ay si Jho.
"We missed you so much Bro!" wika ni Bei habang nagpupunas nang mga luha nito
"Stop crying Bei" nakangiting sagot nito sa kaibigan niya
Nakangiti lamang akong nakatingin sa kanila, mas light pala ang pagkabrown nang mata niya kumpara noong Kaluluwa lang siya. At mas gwapo siyang talaga sa personal.
Napatigil naman bigla si D nang makita niya kami ni Celine
"Ahm, Bei, may mga kasama kayo?" wika nito habang nagpapasalin salin ang tingin nito sa amin
Napakunot bigla ang mga noo namin...
Could it be...
"Who are they?" tanong ni Bei sabay tingin sa amin
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...