LXIII. 360 DEGREE

664 19 1
                                    

*******************************

DEANNS' POV

"Deanns? Deanns!"

unti unti kong dinilat ang aking mata, nakakasilaw na liwanag ang sumisilaw saking mga paningin.

"Gising na siya! tumawag ka nang nurse dali!"

dinig kong sabi nang boses nang isang lalaki, pilit kong minumulat nang maayos ang aking mga mata

pilit kong nililibot ang aking paningin sa apat na sulok nang kwartong ito.


Nasa ospital ba ako? pero bakit? anong ginagawa ko dito?

bakit andito ako?

"Bei?? Anong ginagawa ko dito?" tanong ko kay bei na nakatayo sa tabi ko, bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagaalala

"Wait lang bro hah, sandali lang. Check ka lang nang nurse" sagot nito

maya maya ay nakita kong pumasok ang isang nurse at may kasama na itong doctor. Chineck lang ako nito at may binilin kay Bei, hindi ito nagtagal at lumabas din nang silid.

"Bro, what's happening? why am I here? nasaan si Jessica?" tanong ko sa kaniya

"bro, kakagising mo lang. Pahinga ka muna, hindi ka kasi pwedeng mastress o mabigla. Let's take it one step at a time hah" sagot nito sakin

"Mastress? mabigla? bakit naman ako maiistress? bakit naman ako mabibigla? Bei, bakit hindi mo na lang sabihin sakin kasi naguguluhan na ko" sagot ko sa kaniya, pero napansin ata ni Bei yung Cardiac monitor ko na tumataas ang heart rate ko

"Ahh, Deanns sandali lang hah. Kalma ka muna sandali. Hindi kasi pwedeng magincrease yung heart rate mo" bei said as he tries to calm me down

pero para bang sobrang nagugulumihanan ako kaya hindi ko mapigilan ang pagiging compulsive ko, nagpapanic na ako. Hindi ko pa din siya tinantanan sa tanong hanggang sa tumataas na yung boses ko, hindi ko na maikalma yung sarili ko. Biglang may pumasok na mga nurse at bigla na lang silang may inenject sa braso ko, unti unti akong nakaramdam nang panghihina, inaantok ako, bumibigat ang talukap nang aking mga mata.

Ilang sandali pa ay tuluyan na itong bumigay at tanging dilim na lamang ang aking nasilayan, hanggang sa nawalan na ako nang malay.


BEI'S POV

"Yes tito, kakapatulog lang po ulit sa kaniya. Nagwala po kasi siya kanina... Opo, ako na po munang bahala. Yes tito, makakaasa po kayo. Wag na po kayo magalala masyado, andito naman po ako. Opo, salamat po, bye po, ingat po kayo dyan ni Tita"

Kakatapos ko lang magupdate kina Tito Dean nang sitwasyon ni Deanns. Buti na lang at nagising na siya, ang kaso hindi pa maayos ang kundisyon niya. Problema pa to, kapag nagising uli siya. Sana hindi siya magwala gaya nang kanina


Andito ko sa kwarto ni Deanns at nagbabantay sa kaniya, minsan sinasama samahan ako ni Jho, dumadalaw dalaw din si Tots.

"Bei" tawag sakin ni Tots na kakapasok lang dito sa kwarto

"Uy, Tots andyan ka na pala" sagot ko sa kaniya

"Balita? nagising na daw si Deanns sabi ni Jho?" tanong ni Tots habang nilalapag ang prutas na dala nito sa isang lamesa

hindi naman ako nakasagot agad, huminga muna ako nang pagkalalim

"Oo..." maikling tugon ni Bei

"Lalim nun bro ah" sagot ni Tots

"Eh kasi naman, nagising nga siya pero nagwala din agad kanina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya kasi ayaw niya kumalma" malungkot na sagot ko kay Tots

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon