XXIV. VACAY

749 28 0
                                    




THIRD PERSON'S POV

Nandito na sa NAIA ang pamilya ni Deanns, sina Bei, Tots at Jho. Kasama rin nila sina Nanay Maria, Sam, Mang Berting, Cardo, Tonyo at Syempre si Ollie.

Kararating lang nila nang Airport at iniintay na lamang ang pamilya Galanza na parating na rin. Papunta sila ngayon sa Resort nang mga Wong sa Boracay.

"Judin!" Sigaw ni Nanay Fe sabay takbo papalapit sa kaibigan, kasunod nito sina Jesse, Jema, Mafe at Jovy

"Fe! Mabuti at nakasama kayo, masayang masaya akong makita kayo muli!" Wika nang ina ni Deanns

Agad nag yakap ang apat na magkakaibigan, agad ipinakilala nang mga ito ang mga anak nila sa isa't isa.

Puno nang kwentuhan ang kanilang naging byahe.

Sa eroplano ay ang mga magulang nila Deanns at Jema ang magkakatabi, katabi nila rito sina Nanay Maria at Mang Berting. Nasa pangalawang hilera naman sina Deanns, Jema, Mafe, Jovy, Bei at Jho. Nasa likod naman ni Deanns si Tots, Ced, Sam, Cardo at Tonyo.

Nakatingin sa may bintana si Deanns nang mapansin nito sa kaniyang peripheral vision na parang panay ang dungaw ni Jema sa bintana.

"You wanna exchange seats with me?" Alok ni Deanns kay Jema

"Ha? Ay wag na, nako nakakahiya naman" tugon ni Jema

"Come on, you'll love the view" sagot ni Deanns

"Hindi ba bawal?" Wika ni Jema

"It's not really prohibited naman, minsan pinalalagpas naman nila as long as magkasama yung magchachange nang seats, and if may permission nang makikipagpalit. Kaya lang naman nila pinagbabawal ay kapag... well, worst case scenario is if the plane crashes, mas madali maidentify yung cadaver nang passenger based on its seat. Of all the days, I'm sure it won't happen today, right? So, it's not gonna be a big of a deal" nakangiting wika ni Deanns

"Well, okay, if you insist" sagot ni Jema saka nakipagpalit kay Deanns.

Halos hindi naman maalis ang mata ni Jema sa bintana kahit hindi pa nakakapag take off ang eroplano. Samantala napansin naman ni Deanns na parang hindi mapakali si Mafe.

"Are you alright?" Tanong ni Deanns kay Mafe

"Ah eh... kinakabahan lang po ako" wika ni Mafe

"First time?" tanong ni Deanns at tumango naman si Mafe

"Let me tell you a secret, alam mo ba na nung first time ko sa plane I puked" wika ni Deanns

"Talaga po?" Sagot naman ni Mafe

"Yeah, like a lot... and that happened when we just take off. I was so nervous that I vomit and I felt very humiliated. Then, a flight attendant came towards me nung pwede nang mag unbuckle nang seatbelt. She was so kind and very helpful. She said that I don't have to worry daw because it happens naman most of the time. She said, he knows our pilot very well, that we can entrust our life with them and she, as an F.A. of ten years, have witnessed how great our pilot is. So, if I still feel nervous during a flight, she told me to imagine eating my favorite food while imagining eating them on my favorite place.

After a few minutes, all my worries are gone, what's only left was the crave for my favorite food. I always look back at that time. Calming and remembering those words are a really big help to overcome your fears. Just remember, all good things" pagkukwento ni Deanns

"All good things" wika ni Mafe sabay hingang malalim at tango sa binata. Ngumiti ito na may kumpiyansa sa sarili

Samantala, si Jema naman ay tahimik na napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Labis siyang natutuwa kung gaano kagaling makisama si Deanns maski sa kaniyang pamilya.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon