XLVIII. TURN OF EVENTS

587 17 0
                                    

DEANNS' POV

It's been a hella crazy ride these past few days, and masasabi ko na talagang nakakapagod. Classes, Training, and extracurricular activities. Not that I'm complaining dahil nadagdagan yung workload ko, I enjoy spending time naman sa Theatre Arts Club since andun yung Baby ko. Mas natututukan ko siya, kahit madalas nakakainis kapag nakikita kong halos hindi na maihiwalay itong si Ely sa Baby ko. Grr. Pero okay lang, ako lang naman mahal niyang Jessica Margarett Galanza na yan.

At syempre spending time, sa Theatre means spending time with din sa aking new found friend na si Roma. I make sure naman from time to time na hindi magseselos ang aking Habibi.

Kahit papaano namay ay grateful ako sa pakikipagdaldalan kay Roma, kasi at least may nakakausap na ko bukod kay Mr. Floppy Hopscotch. Hindi na din ako magmumukhang tanga kakakausap dito.

"Oh, Boss D, palamig ka muna" si Roma, sabay abot sakin nang isang bottled juice.

You may be wondering why she called me like that, nadinig niya lang naman na tinawag ako nina Tonyo at Cardo sa pangalang yon nung minsang hinatidan nila kami nang makakain.

Hinahayaan ko na lang din si Roma, mabait naman din ito eh, saka friendly pa. Tinropa niya nga din yung dalawa nung minsang makitang hinihintay kami ni Jessica sa School's Parking lot

"Nagabala ka pa, pero thanks Rome" nakangiti kong pagpapasalamat sa kaniya nang abutin ang juice na binigay niya.

At syempre, alangan naman siya lang may pag tawag na iba, I also call her Rome or Roms para unique, since her friend or family usually calls her Roma or Mae.

Habang umiinom ay hindi ko maiwasang maalala yung Baby ko, I wonder what's she up to? bigla kasi silang pinatawag ni Prof Dmac. Hindi na niya ko pinasama kanina. Sabi niya sandali lang daw sila pero mag thirty minutes na silang wala. Kasama niya pa naman si Ely ngayon...  Pero okay lang kahit papaano kasi kasama din nila yung secretary nang Club nila nung pumunta sila kay Prof Dmac

Iniisip ko pa lang yung baby ko, bigla naman siyang dumating, naglalakad palapit sa akin, pero bigla naman ako napalunok nung makita kong ang sama nang tingin niya sakin

Patay! Baka nagselos to, nakita niya sigurong inabutan ako ni Rome nang inumin.

"Uy, punas ka muna Boss D, pawis na pawis ka na oh" si Rome, at akmang pupunasan niya na nang bimpong hawak niya yung mukha ko

Patay kang bata ka, Rome wag ngayon. Mapapatay tayo nang VP niyo

"Ahh, hindi okay lang. Wag na" biglang iwas ko at saka ako tumayo

"Tapos na ba yung mga dapat gawin dito at nagdadaldalan na kayo?" Masungit na approach nang baby ko. Napalunok na lang tuloy ako nang laway

"On it po, VP" Sagot ni Roma, sabay iskapo. Aware din naman to na pinagseselosan siya ni Jessica. Pero minsan may mga actions siya na hindi niya naman intention na pagselosin si Jessica. In fact, siya pa nga mismo umiiwas kapag alam niyang nasa paligid lang ang Baby ko.

"Drink po Bibi?" Alok ko kay Jessica, tinignan niya naman nang masama ito at

"Ayoko" mataray na sagot niya at dali daling kinuha yung kanyang panyo sa bulsa at pinunasan ang aking pawis

"At ikaw naman, sinabi ko na sa'yo na ayokong may ibang dumidikit sa'yo, tapos magpapapunas ka pa sa iba" may diin niyang pagpunas sa pawis ko

"Hindi naman po, kaya nga po iniwasan ko. Saka Baby be gentle naman po. Masakit po" malambing kong sagot kay kumander, mahirap na at baka maging dragon pa to.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon