DEANNS' POV
At unti unting umusad ang hell-week, hindi naman ako na inform na magiging hell-weeks pala ito, dahil lagpas isang linggo na, at sobrang hectic nang schedule nang Mareng Jema ninyo.
Habang ako, ang umaagaw lang nang oras ko ay ang training namin. At dahil ako yung mas may free time sa amin, napagdesisyunan ko na ako ang magaadjust, madalas kong sinasamahan si Jessica sa mga free time ko. Nakuha naman sa pagsuyo yung Prof head nila kaya pumayag na andun ako every practice nila. Tumutulong tulong na rin ako paminsan minsan, Kahit sa pagaasikaso lang nang props.
Paano? siyempre ginamit ko yung talento ko sa pagdadrawing, tinulungan din ako nang baby ko, siya lang naman ang nagsabi na magaling ako magdrawing, kaya ayun, kahit hindi ako member nang Theatre Arts Club ay inampon na muna nila ako.
Nung una, ampon pa ang tawag sakin nang ni Prof Dmac. Yes, yun tawag ko sa kaniya, siya si Professor Dimaculangan. Matandang dalaga kaya may pagkamasungit, kaya sinuyo suyo ko pa parang payagan akong laging nasa practice nila. Hanggang sa ginawa ko lahat nang pinapautos nito at di kalaunan sa loob nang mahigit isang linggo ay nakuha ko na ang loob nito, and guess what? Anak na ang tawag niya sakin.
pero kahit madalas ako sa Theatre Arts Club ay hindi ko pa rin maiwasang magselos sa tuwing makikita ko kung gaano kalapit sina Jessica at Ely sa isa't isa. Andun nga ako sa practice nila, pero madalas nakamasid lang naman ako. Kung alam ko lang, eh di sana tumakbo na lang akong President nang Club na to, para lahat nang oras ni Jessica sa Club na to, kasama niya ko.
Andito tuloy ako na parang tanga at ang kausap lang ay si Mr. Floppy Hopscotch.
"Alam mo bang para kang timang?" biglang sulpot nang babae sa tabi ko habang nagpapaint ako nang isang props
"nakakagulat ka naman, bigla bigla kang sumusulpot dyan" mahinang sagot ko, bawal kasi maingay dito sa Theatre
"Napapansin kasi kita, lagi mo kausap yung stuffed toy mo, habang ang sama sama nang tingin mo kina Pres at VP" sagot niya naman
"Hindi ah" tanggi ko, habang patuloy na nagpipintura. Hindi ko siya tinitignan at baka mahuli ako nitong nagsisinungaling
"Sus. So, ano pangalan niya?" tanong niya
"Sino?" tanong ko at nang paglingon ko ay nginunguso niya si Mr. Floppy Hopscotch, hindi ko naman maiwasang mailang kung gaano kalapit yung mukha niya sa mukha ko, kaya bumalik ako nang tingin sa Stuffed toy ko
"Mr. Floppy Hopscotch" sagot ko
"Cute" maikling tugon niya kaya nilingon ko siya, tinignan ko kung tatawanan niya din ako gaya nang pagtawa nila Bei at Tots pero hindi siya ganon
"Wala ka bang ibang gagawin? kapag nahuli ka ni Prof Dmac, yari ka dun. Hahaya-hayahay ka diyan" sagot ko sa kaniya
"Kakatapos ko lang, nagchecheck ako nang mga props, at nagkataong yang props na pinipinturahan mo ang susunod kong kailangan." sagot niya naman
"Patapos na to, kaso kailangan pa patuyuin" sagot ko naman sa kaniya, at tumango naman siya
"Parang ngayon lang kita nakita dito, taga Theatre Arts Club ka ba talaga?" kunot noong tanong ko sa kaniya, mamaya outsider to eh, lalo kaming mayari kay Prof Dmac
napansin ko namang natawa siya, kaya napataas ang kilay ko sa kaniya
"Paano mo mapapansin eh laging nakay VP yung atensyon mo" sagot niya, may point naman siya don kaya napatango na lang ako
"Roma Mae Doromal" wika niya sabay lahad nang kamay, hindi naman ako bastos kaya inabot ko ang kamay niya
"Deanns Xavier Wong" maikling tugon ko
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...