THIRD PERSON'S POV
Nang gabing yon ay dumating na ang mga kasambahay nila Deanns kasabay nila Bei.
"Nay Maria!" nakangiting salubong ni Deanns sa kasambahay nila.
Agad naman din siyang sinalubong nang yakap nang mangiyak ngiyak na matanda. Si Nanay Maria ang pinakamatagal na kasambahay nila. Ito na ang kasambahay nila bago pa man isilang si Deanns. Halos ito na ang nagpalaki sa binata. Ito rin at ang anak nitong si Sam na pumapasok na kasambahay sa kanila ang nagalaga kay Ollie.
Masayang dinilaan ni Ollie ang amo at naglilikot ito. Agad ginawa ni Deanns ang tricks na madalas nitong pinagagawa kay Milo. Napangiti naman si Jema sa nasaksihan at naalala kung paano nakikipag laro si Deanns kay Milo.
Agad namang tumulong si Deanns sa pagbuhat nang gamit nang mga kasambahay papasok sa bahay nito.
"Nako iho, baka hindi ka pa magaling. Dapat huwag ka munang mag bubuhat masyado, kaya na namin ito ni Berting" wika ni Nay Maria kay Deanns
Si Berting ay isa sa mga bodyguard nang pamilya ni Deanns, ito ang head sa mga bodyguards nila sa mansyon, at si Mang Berting din ang madalas kasama nang ama ni Deanns. Ang mga pamangkin naman nitong si Cardo at Tonyo ang dalawang laging nakabantay kay Deanns.
"Nako kaya ko naman po Nay. Magaan din naman po ito para sa akin. Work out na din to Nay" nakangiting sagot ni Deanns.
Tahimik na nakasunod lamang ang mga kaibigan nito sa kanila.
"Kumain na ba kayo Belandro?" Tanong ni Nanay Maria kay Bei
"Nanay naman ih, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tutuksuhin niyo agad ako" sagot ni Bei sabay pout nito na parang bata
"Mabuti pa dito na kayo maghapunan, mukhang may mga bago kayong kaibigan" nakangiting tumingin si Nanay Maria kina Jema
"Ay opo Nay, sina Celine at Jessica po. Mga kaklase ko po sila sa Adamson" pakilala ni Deanns sa dalawang dalaga
Agad naman lumapit si Jema at nagmano, ganun na din ang ginawa ni Ced
"Magandang gabi po Nay Maria, Jessica Galanza po, Jema na lang po" wika nito sabay mano
"Kaawaan ka nang diyos" wika ni Nanay Maria
"Magandang Gabi po, ako naman po si Celine Domingo, Ced na lang po" wika ni Ced sabay mano
"Kaawaan ka rin nang diyos" tugon ni Nay Maria
"Aba'y kay gaganda naman pala nang mga bago ninyong kaibigan iho" nakangiting wika ni Nanay Maria
"Nako Nay, hindi ho kayo nagkakamali. Mukhang malinaw na malinaw pa din talaga ang paningin natin" nakakalokong singit ni Tots sabay thumbs up kay Nay Maria
"Bola ka na naman dyan Toti" sagot ni Bei
"Osiya, ako'y maghahanda na muna nang hapunan bago pa kayo magsimulang magbardagulan diyan" wika ni Nanay Maria
"Nay, baka naman pagod pa po kayo sa byahe, kami na lang po muna ang bahala sa pagkain." Suhestiyon ni Jho
Nanlaki naman bigla ang mata ni Bei sa sinabi ni Jho. Alam kasi nitong hindi pinagpala sa kusina si Jho.
"Ahm, si Jema na lang po ang magluluto!" Tarantang singit ni Bei
"Nako, nakakahiya naman sa bago ninyong kaibigan kung siya agad ang magsisilbi sa amin" sagot ni Nanay Maria
"Hindi po, nakapagluto na rin po dito si Jema nung nakaraan. Kaya niya na po. Jho, pakitulungan mo na lang sina Nanay Maria sa mga gamit nila" tarantang sagot din ni Tots.
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...