XLII. DINNER DATE

696 23 0
                                    

DEANN'S POV

Nagmadali akong bumaba para magluto, I specially cooked a Lobster Thermidor and baked Crème Brûlée for dessert. Actually, this isn't my first time to cook. I think hindi ko pa napapakitaang gilas si Jessica sa galing ko sa pagluluto in a fine dining style.

After making sure that the food is perfect, I brought it sa kwarto niya. I placed a beautiful boquet of sunflower for her. Sinet up ko din yung food sa table niya sa room and also brought wine na din. Mukhang may unexpected candlelit dinner kami ngayon nang Baby ko.

I also made sure na may makakaing food ang barkada pati na din sina Tonyo and Cardo. I even message them my plan for Jessica, saka para magka alone time naman kami, since matagal tagal na din since the last time na nakapag spend kami nang time together nang kaming dalawa lang. Kaya naman bilang pambawi din sa kanila I cooked Grilled Filet Mignon with Bearnaise Sauce for their dinner.

Meron na lang akong Thirty minutes to prepare kaya dali dali akong naligo to freshen up naman, nakakahiya naman sa kadate ko for tonight kung hindi ako mabango. I decided to wait na lang kay Jessica sa loob nang kaniyang room.

THIRD PERSON'S POV

"Nagsabi ba sainyo si Deanns kung nasaan siya ngayon? Kanina ko pa kasi siya minessage hindi naman nagrereply" may halong inis na tanong ni Jema sa mga kasamahan

"Hay nako Jema, hintayin mo na lang siya, mamaya pa yon. Nagsabi siya na bibili lang siya saglit sa mall nang materials for his project. Uuwi din naman daw siya before dinner." Sagot ni Jho.

"Namiss mo naman agad ang Baby mo. Hindi mambababae yun Jems, kalma" natatawang sambit ni Bei na kinairap naman ni Jema sa kaniya

Kakarating lang nila ngayon sa Château. Kaya naman wala nang nagawa si Jema, umakyat na lang siya diretso sa kaniyang kwarto upang magbihis nang pambahay. Pagkapasok ay binuksan nito ang ilaw at sinara ang pinto.

"Ay! Punyeta!!" Sigaw ni Jema nang magulat nang makita si Deanns na nakatayo sa loob nang kaniyang kwarto

"Surprise Baby" nakangiting bati ni Deanns habang palapit sa kaniyang nobya. Ginawaran niya ito nang halik at iniabot ang bulaklak na hawak hawak.

"Ikaw talaga ang dami mong nalalaman" wika ni Jema sabay hampas nang mahina sa nobyo

"Gusto ko kasing isurprise yung maganda kong girlfriend. Napagod ba yung baby ko sa school?" Pacute na tanong ni Deanns sabay yakap sa kasintahan

Yumakap din pabalik si Jema at tumango na lamang

"Ang bango naman nang baby ko" nakangiting sambit ni Jema habang inaamoy amoy si Deanns

"Baby, wag dyan, nakikiliti po ako hahaha" hindi mapigilang makiliti ni Deanns

"You want to eat dinner na? I cooked food especially for you" malambing nitong sambit sa nobya

"Really? I want to taste it na" gumuhit naman ang malawak na ngiti sa labi ni Jema nang marinig na ipinagluto siya ni Deanns nang dinner.

Agad hinila ni Deanns si Jema palapit sa table nito sa kwarto at saka ipinaghila nang upuan para makaupo.

"Tsaran! I prepared Lobster Thermidor and Crème Brûlée for my Mademoiselle" proud na wika ni Deanns

"Wow! Baby ikaw talaga nagluto nito? Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jema sa kasintahan

"Yes naman po. Hindi mo man naitatanong pero specialty ko yung mga fine dining course baby." Nakangiting pagkukwento ni Deanns

"So what's the occasion? Hindi pa naman natin monthsarry may pasabog ka na" wika ni Jema habang naghihiwa nang lobster niya

"Wala naman baby, I just want to surprise you saka ipagluto ka. Baby, the best things in life comes when you least expect it. Saka deserve mo to" nakangiting wika ni Deanns.

"Paano pala sila baby? Baka bigla na naman magluto si Ate Jho niyan" nagaalalang tanong ni Jema kay Deanns

Napangiti naman si Deanns dahil sa concern ni Jema sa mga kaibigan

"Don't worry B, alam po nila. I also cooked dinner din for them naman, pambawi ba" wika ni Deanns

Hindi naman maiwasan mapangiti ni Jema habang pinagmamasdan ang kaniyang nobyo.

"Bakit po?" Takang tanong ni Deanns

"Nothing. Ang swerte ko lang sa boyfriend ko. Gwapo na, Mabait pa, matalino at magaling magluto. Baka may alam ka pa diyan na hindi ko nalalaman ah, sabihin mo lang para hindi ako nabibigla" nakangiting wika ni Jema sabay subo nang pagkain

"Uhm, meron pa po..." sambit ni Deanns, napatigil naman si Jema at takang nakatingin kay Deanns

Mahinang tinapik ni Deanns ang dulo nang ilong ni Jema gamit ang kaniyang hintuturo, bagay na madalas ginagawa sa kaniya ni 'D'

"I love you J, with all my heart. I think I remember it all, pero I want you to know that my heart never forget about you. Ikaw lang ang mamahalin ko J, wala nang iba pa" nakangiti at puno nang pagmamahal na sambit ni Deanns habang nakatingin sa mga mata nang kasintahan

"Pa-paano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jema

Kinuha ni Deanns ang kamay ni Jema upang hawakan ito

"At first, I thought baka panaginip lang since unti unti ko siyang napapanaginipan. Pero para itong puzzle piece na unti unti ko ring nabubuo. Until one time, I saw your sketchpad. There, napatunayan kong hindi panaginip lahat nang iyon... I think months ago na rin nangyari yon, biglaan din tayong naging busy sa bagay bagay kaya hindi ko na nabrought up. Until nakita ko ulit kanina yung sketchpad mo. Naalala kong hindi pa pala natin napaguusapan ulit to." Paglalahad ni Deanns

Hindi naman maiwasang mapaluha ni Jema sa mga narinig mula sa nobyo, tumayo ito at lumapit upang bigyan nang isang mahigpit na yakap ang kasintahan

"Kala ko hindi mo na maaalala yung mga memories natin" mangiyak ngiyak na sambit ni Jema habang nakayakap pa din kay Deanns

"Pwede ba naman yon, saka kahit hindi ko maalala gagawa at gagawa pa din tayo nang ala ala. Tulad nito, nang ngayon" wika ni Deanns

Napakalas naman sa yakap si Jema upang tignan sa mata ang kasintahan

"Alam mo bang yan mismo ang mindset ko nung nagising kang hindi mo ko naaalala" wika ni Jema kay Deanns

"Talaga? I think that's what we called soulmate thingz" wika ni Deanns sabay yakap ulit nang mahigpit kay Jema

"Baby bakit sobrang sarap mo yumakap?" Pabirong tanong ni Jema kay Deanns habang nakayakap pa din

"Because I'm your home" nakangiti at proud na sagot ni Deanns, hindi naman nakasagot si Jema at halatang kinikilig lang kaya naman lalo itong inasar ni Deanns

"Ayiiiieee! Mani pakyaw popcorn!" Natatawang sambit ni Deanns sabay tusok sa tagiliran ni Jema na parang nanghaharot

"Parang timang hahaha" natatawa tawang wika ni Jema

Masaya silang kumain nang hapunan at nagkwentuhan nang mga bagay na nangyari sa buong araw nila at sa matamis nilang nakaraan.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon