XLIV. DRUNK

832 22 0
                                    

DEANN'S POV

Wala kaming pasok ngayong araw at talaga namang nabobored kami. Tapos na kaming maglinis ngayong araw ngunit mahaba pa ang oras. Hindi naman kami pwedeng basta basta na lang gumimik lalo at delikado.

Gaya na lang nung pagpunta namin ni Jema noong nakaraan sa Mall. Hindi ko na pinaalam sa kanila, ngunit nakita ko na naman si Cy. Nakita ko siya mula sa malayo. Nakita ko kung paano niya ako tanguan na para bang may gustong ipahiwatig. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, dapat nang gagalaiti na ako sa galit, dahil ito yung muntik pumatay sakin, ganun na lang ba ang pagmamahal ko sa kaniya bilang pinsan ko kaya kahit magalit ay hindi ko magawa. 

Nakasalampak ako dito sa couch sa sala nang maputol ang lalim nang aking iniisip nang marinig ko si Tots

"What if maginom na lang tayo ngayon dito?" Ngiting asong suhestiyon ni Tots.

Basta pagka talaga alam mong may halong kalokohan, hindi talaga papalagpas sa pag ngiting wagas nito ni Tots

"Ano na naman yang pinag sasasabi mo dyan Toti" wika ni Ate Jho habang pababa nang hagdan

"Nagsusuggest lang naman ako, tutal tapos na yung paglilinis natin, wala naman na tayong gagawin dito. Alangan namang magtitigan tayo dito hanggang mag gabi. Eh di lalong nabaliw sakin yung Sweetie pie ko" mayabang na wika ni Tots

"Aray!" Si Tots yun, nakatikim lang naman siya nang isang matamis na hampas mula kay Cedie

Ayan, tama yan. Gisingin mo yan sa kahibangan yang isa na yan.

"Nagbibiro lang naman, ito naman hindi mabiro" wika ni Tots sabay paglambing niya kay Ceddie

"Umayos ka Carlos" sagot ni Ceddie

Pero gusto ko yung suggestion ni Tots, since matagal tagal na rin mula nang huling maguhitan nang alak itong lalamunan ko, I think it's time!

"I think, okay din yung suggestion ni Tots" sagot ko na umagaw sa atensyon nilang lahat

"I mean, it's been so long na rin since the last time na uminom ako nang alcohol. I guess, before I got into an accident pa yon." Pagpapaliwanag ko, nang di sadyang magtama ang mata namin ni Tots, kita ko kung gaano nagningning ang mga mata nito. I wonder bakit ngayon niya lang na brought up tong pagiinom, e samantalang noon, madalas mag-aya to nang Bar.

"Why don't we call it a celebration? I mean it's Deanns' second life after all, right? I know may sa-pusa tong si Deanns, pero hindi natin alam kung ilang buhay pa natitira sa Nine Lives niyan" hindi ko alam kung matutuwa ako o mapipikon sa pinagsasabi nito eh. Pero isa lang alam ko, yun ay halatang excited tong si mokong napapa-

"Bat ka napapaenglish?" Si Ced

O diba? Napapaenglish e. Alcohol always hypes Carlos.

"Hmm, May point din naman. Hindi din naman uminom si Deanns noong Birthday ko kahit bumabaha nang alak non" sagot naman ni Ate Jho

"Yes!!" Biglang napasigaw naman si Bei sa may gilid na biglang kinalingon at taas nang kilay ni Ate Jho sa kaniya

"Ah, wala love. Natuwa lang ako, yun yung sinagot mo ko diba?" Pagpapalusot ni Bei, hay nako sablay din talaga mag palusot tong isang to eh.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon