LXV. REALITY

1.7K 45 16
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Deanns? Deanns!" sigaw ni Bei nang makitang nagising na si Deanns

Agad na tumawag nang Doctor si Tots upang ma-assess si Deanns. Ilang sandali pa ay kinausap nito nang personal si Bei at saka lumabas na nang kwarto.

"Anong nangyayari? Bakit andito na naman ako?" halos magdikit na ang kilay ni Deanns sa sobrang gulo nang kaniyang nararamdaman

"Kalma ka lang Deanns hah, sasabihin naman namin sa'yo. Pero gusto ko kumalma ka lang dyan muna" wika ni Bei

"Bei, Deja Vu na kasi ito. Parang paulit ulit nang nangyayari sakin. Hindi na natatapos. Teka nasaan ba si Jessica? Wag mong sabihing kasama niya si Elly at kasintahan niya to?" tanong ni Deanns na may halong galit

Nagkatinginan naman si Bei at Tots saka nilingon muli si Deanns

"Ano? hindi niyo na naman kilala si Jessica?" tanong ni Deanns

"Deanns, okay ka lang ba? Gusto mo tawagin ulit namin yung doctor?" tanong ni Tots. Palabas na sana ito nang pigilan siya ni Deanns

"No. You don't have to. Just... Stay" sagot ni Deanns

"Bro, ano bang sinasabi mo dyan?" tanong ni Bei

magsasalita pa sana si Deanns nang biglang pumasok si Jema. At nang makitang gising na si Deanns ay agad itong tumakbo upang yakapin si Deanns nang mahigpit

"Baby, gising ka na!" sambit ni Jema

Nagulat man si Deanns sa kaniyang nadinig ay bigla itong napanatag

"You're back baby" sagot ni Deanns sabay yakap nang mahigpit kay Jema

Nang makabitaw ito sa pagkakayakap ay pinaulanan nang halik ni Deanns si Jema

"Kala ko ba successful surgery neto? Bakit parang may turnilyo atang lumuwag dito?" Wika ni Tots kay Bei habang pinanunuod si Deanns

"I had a dream. No... more of a nightmare. Ayoko nang balikan. Ano ba talagang nangyari? Pwede bang ikwento niyo muna?" pakiusap ni Deanns sa kanila

"Okay bro, ganito kasi yon..." sagot ni Bei


Flashback...

Outing at De leon's Private Island Beach Resort

"I love you to the moon and back, my Jessica Margarett Galanza. My future Mrs. Wong" sambit ni Deanns kay Jema

Hinalikan niya ito nang puno nang pagmamahal hanggang sa maubusan sila nang hininga. Sinandal ni Deanns ang kaniyang noo kay Jema saka ngumiti rito.

Pagkatapos nito'y sumandal nang muli si Jema kay Deanns upang panuorin nila ang Sunset

"Baby, alam mo ba kung bakit mas maganda ang Sunset kaysa Sunrise?" tanong ni Deanns habang nakaback hug kay Jema

"Bakit by?" tanong pabalik ni Jema habang nakatingin pa rin sa sunset

"Cause sometimes, good things happens in goodbyes" sagot ni Deanns, agad naman siyang nilingon ni Jema.

Nakangiti lamang sa kaniya ang binata, kaya naman hinampas lang siya ni Jema

"Wag ka ngang magsalita nang ganyan, I hate goodbyes baby" sagot ni Jema sa kaniya

"Tara na nga, bumalik na tayo sa kanila" aya ni Jema at tumayo na ito. Nilahad nito ang kamay niya upang tulungang tumayo si Deanns

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon