L. TOLINE

627 16 0
                                    

TOTS' POV

(few weeks before the play)

Andito kami ngayon sa ilalim nang isang malaking puno nakatambay ni Bei, busy kasi sina Jho at Ced sa additional trainings nila, excuse naman si Jema dahil pinaghahapit sila sa nalalapit nilang play. At yung tropa naman naming mapagmahal ay nakabuntot lang kay Jema, palibhasa alam niyang andun si Ely, kaya naman hindi mapakali. Hinahayaan na lang din namin siya kung saan siya masaya, syempre support pa din sa tropa.

"So, Bro... Ano nang balak mo with Celine? it's been months na din ah" basag ni Bei nang katahimikan. 

Napaisip naman din ako bigla, ilang buwan na din kasi kami magkaibigan ni Celine, at aamin ko kahit ilang buwan na kaming magkakilala ay parang hindi pa din ako nito sineseryoso. Well, sino ba naman kasing seseryoso sakin eh puro ako pangaasar sa kaniya. 

"Hindi ko nga din alam, bro. Gusto ko siyang ligawan sana nang pormal. Kaso baka isipin niya lang hindi ako nagseseryoso sa kaniya" sagot ko kay Bei

"Bakit hindi mo simulan sa pagbibigay sa kaniya nang mga bagay na hindi niya inaasahan? simulan mo sa bulaklak. Saka tigilan mo kasi muna yung Honey Bunch sugar pop mong call sign. Kaya bungad na bungad pa lang, hindi na masabing seryoso ka sa kaniya eh. Ipakita mong kaya mo magseryoso, pakita mo yung matured side nang isang Tony Timothy Carlos" pagmotivate sakin ni Bei

Tama siya, siguro sisimulan ko sa pagbibigay nang bulaklak

After matapos nang free time namin ni Bei ay agad naming tinungo ang aming afternoon class. Nang matapos ito ay agad akong nagpaalam kay Bei, Hinintay ko sa Parking lot yung delivery boy, umorder kasi ako nang boquet of Violet Roses. Siyempre kinuntsaba ko na si Bei na mauna na sila ni Ate Jho at idedate ko muna si Celine. Pinakisuyo ko na lang yung Car ko, nagpadala na din si Bei nang guard from Château na siyang magdadrive din samin papunta sa pagdadate-an namin ni Celine.

Nakita ko nang naglalakad si Celine kaya tinago ko muna sa likod ko yung bulaklak, kahit obvious naman hahaha

"Hi, for you" nakangiti kong wika sabay abot nang boquet of violet roses

"uhm, thank you?" nalilito niyang sagot

"Uhm... Celine, pwede ba kitang invite sana nang dinner sa labas" potek, bigla naman akong nahiya. Kalma Caloy! kaya natin to

"Anong meron? may kasalanan ka bang nagawa Carlos hah? Umamin ka" taas kilay na tanong ni Celine

"Wala ah, gusto lang kitang ayaing kumain sa labas" depensa ko

"Okay" maikling tugon niya. Yes! okay na din yun, basta pumayag siya

Agad ko siyang pinagbuksan nang pinto nang aking sasakyan, mababakas kay Celine ang pagkalito pero pumasok na lang din muna ito sa loob. Agad akong umikot upang sa kabila umupo.

Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang sasakyan ko, kaya alam kong pamilyar siya rito, ito kasi ang madalas ko gamitin na sasakyan pang sundo at hatid sa kaniya noon. Pamilyar din siya sa driver namin ngayon na guard sa Château. Si Mang Simon.

"So, ano nga meron?" tanong uli ni Celine habang binabaybay namin ang daan papunta sa pinareserve kong restaurant

"mamaya na yung tanong. Kalma ka lang muna dyan" sabi ko sa kaniya

"Ikaw ang kumalma, halatang kinakabahan ka" panunukso niya sakin, napakamot na lang tuloy ako sa batok.

Saglit lang at nakadating na kami sa aming destinasyon. Inaya ko din si Mang Simon sa lob ngunit tumanggi ito at nagsabing maghihintay na lamang siya dito sa sasakyan. Pinilit ko naman siya pero makulit din kasi itong isang to. Ayaw niya talaga, kaya naman dumiretso na kami sa loob.

PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon