JEMA'S POV
Napadalas ang pagkikita namin nila Tots, Ced at Bei. Pinili muna naming kami kami lang muna ang makaalam. Nahihirapan man si Bei na magsinungaling kay Jho sa mga napapadalas nitong pagalis ay wala naman kaming choice kundi ipagpatuloy ang pagiimbestiga nang kami kami lang.
Ilang araw ko na rin napapansin na para bang may nakamasid sa amin, lalo na sa akin sa tuwing matatapos ang mga pagkikita kita namin.
Napapansin ko rin si D na kahit hindi siya magsalita ay parang maobserba ito sa paligid, panay ang lingat nito.
Nang makauwi kami isang beses ay tinanong ko ito tungkol sa kakaibang kinikilos nito
"J, I think we need to be very careful. I can sense that someone is watching us... and Following you. Kailangan mainform natin si Bei about dito" wika ni D
"Napansin mo rin pala yon. May napansin ako kanina na lalaking nakaitim na sumbrero mula sa hindi kalayuan, panay ang tingin nito satin, lalo na nung umalis na tayo... tingin ko sinundan niya talaga tayo" sagot ko kay D
"Nakita ko din yon J, actually nilapitan ko siya. Nakita ko na may in-ear headphone na suot ito. Hindi ko nga lang sigurado kung nakikinig lang ba ito nang music, pero... eto" wika ni D, saka may iniabot na papel na may guhit niya nang larawan nang lalaking tinutukoy namin kanina
"tinignan kong mabuti ang mukha nito saka iginuhit, para may larawan tayo nang itsura niya at magiging aware tayo kung sakaling makita ulit natin siya" sagot ni D
"Ang galing mo talaga D, wais ka talaga" sagot ko sabay pisil nang pisngi niya na mukhang kinagulat nito.
Hindi ko din kasi maiwasan mamangha sa tinatakbo nang utak niya. He always impresses me.
Makalipas ang ilang mga araw ay napapansin namin na lagi pa rin may nakamasid sa amin, lalo na sa akin. Kaya naman halos bente kwatro oras na akong binabantayan ni D.
Kung noon ay halos, nawawala wala pa ito paminsan minsan, ngayon ay sa pagligo at pagbihis ko na lang siya nawawala sa paningin ko. Kahit sa pagkain sa hapunan ay tahimik lang itong nakangiti habang pinagmamasdan kaming maghapunan nang aking pamilya.
Minsan tuloy ay halos mamula na ang mukha ko nang singpula nang kamatis sa kahihiyan dahil sa mga pinagsasabi ni Mafe sa hapagkainan. Kaya naman pinilit ko si D na hintayin na lang ako sa kwarto ko tuwing kakain kami. Kaya simula noon ay nilalaro niya na lang si Milo sa kwarto ko tuwing maghahapunan kami.
Isang beses naman sa hapagkainan
"Ate, bakit ganun si Milo? Hindi ko alam kung nababaliw na o mukhang may kalaro na minsan sa kwarto mo" wika ni Mafe
"Huh? Wala yon. Wag mo na pansinin" sagot ko
"Nako, Jema baka naman pinamumugaran na nang masasamang espiritu yang kwarto mo. Bukas na bukas ay magiinsenso ako riyan" sagot ni Nanay
"Wag po! i-ibig kong sabihin, hindi na po kailangan Nanay... Okay lang po yung kwarto ko. Saka baka po kasi kumapit pa po yung amoy sa mga gamit ko para sa School" pagpapalusot ko, nako naman bibigyan pa ko nang problema nito ni Mafe
"Hindi kakapit yan Jessica, ako na bahala" wika ni Nanay
Patay tayo dyan! Kung magiinsenso si nanay, hindi kaya'y makaapekto to kay D? Baka hindi siya makapasok nang bahay, lalo nang aking kwarto
"Nay, wag po tayong OA. Normal sa aso ang aliwin ang sarili. Hindi na po kailangan yan, magsasabi po ako kung kailangan ipainsenso yung kwarto, sa ngayon po ay hindi po muna" sana pumayag si Nanay
"Aba'y ikaw ang bahala tutal kwarto mo naman yan. Basta magsabi ka lang kapag pinasok na nang maligno o masamang espiritu yang kwarto mo anak" wika ni Nanay Fe
Espiritu lang Nay, walang 'masama'
"Opo, Nay. Salamat po" sagot ko
Kinabukasan ay nagkita kita kami nila Bei, Tots at Celine sa kaniyang underground Cafe. Andito kami ngayon sa isang VIP room rito.
"Mukhang seryoso ang sasabihin mo Bei at dito mo kami dinala" wika ni Ced
"Oo... Kilala ko na kung sino ang nakabili nang Wristwatch sa auction na sinasabi ni Deanns. Hindi na tayo maaaring magkamali dahil dalawa lang ang mayroon nang relo na iyon. Maliban sa current CEO nito ay ang nakapag bid nito sa auction. At iyon ay walang iba kung hindi... Ang pinsan ni Deanns na si Cy Malonjao Wong" seryosong sabi ni Bei
Agad akong napatingin kay D, to make sure kung okay lang ba siya...
"Ano?! Lintik na. Sabi na nga ba, Malakas ang kutob ko na ang tatay niya ang may pakana nang lahat nang ito... nakakapagduda naman talaga yung ama nun eh. Hindi ko sukat akalain na mamamana pa rin ni Cy yung kademonyohan nang Ama niya." Gigil na sambit ni Tots
"Teka enlighten us Bei sa mga pangyayari" wika ni Ced
"Bata pa lang kami ay kilala na namin si Cy bilang malapit na pinsan ni Deanns. Mabait naman talaga si Cy, kahit napaka sakim nang ama nito ay hindi niya kailanman minana kahit katiting na kasamaan mula sa kaniyang ama... Noon.
Ang ama ni Cy ay ang nakababatang kapatid nang Ama ni Deanns. Adopted brother actually... Ang pinagtataka namin ay alam naman nito na ampon siya, pero pilit pa din nitong pinaglalaban na mapasakanya ang malaking share nang kumpanyang ipinamana sa ama ni Deanns. Ang pagkimkim nito nang yaman ay isang Open secret sa kanilang kumpanya. Naging malapit din sa amin si cy kaya hindi namin sukat akalain na magagawa niya ito. Huli namin siyang nakita ay noong tumuntong na kami nang first year High School, pinagaral na kasi ito sa ibang bansa. Umaasa ang ama ni Cy na makuha nila ang mga share nang Dad ni Deanns, abroad." Paglalahad ni Bei
"Pero Bei wala pa tayong matibay na ebidensya na si Cy nga ang nagbalak magpapatay kay Deanns maliban sa relo. Tanging verbal pa lang ang pinanghahawakan natin" wika ni Ced
"Hindi lang ang relo ang nakumpirma ko..." Wika ni Bei sabay lahad nang isang larawan
Larawan ito ni Cy na naglalakad sa Airport
"This picture was taken at NAIA, and this photo is recently lang. Jema, D told you that aside from his wrist watch he's wearing, na evident din sa photo... Is yung Dragon Tattoo nito sa kaniyang left arm... Which is evident din sa photo as we can all see" seryosong wika ni Bei habang tinitignan kami lahat dito.
"Ang tanging kailangan na lang ay ang pag gising ni D" wika ni Tots
Hinawakan ko naman ang kaliwang kamay ni D na nakaupo sa aking tabi. Seryoso lang ang mukha nito na mukhang malalim ang iniisip. Kanina pa ito hindi nagsasalita at nakikinig lamang sa aming pinaguusapan.
"Ayos ka lang D?" Tanong ko sa kaniya
"Yeah, I'm fine, don't mind me. Just carry on lang" sagot nito
"Bakit Jema? May problema ba si D?" Tanong ni Bei sa akin
Tinignan ko lang si D at nginitian lang ako nito nang maikli
"He's fine lang daw, tuloy lang daw natin" sagot ko.
Ano kaya ang malalim na iniisip ni D?
BINABASA MO ANG
PHANTOM
Fanfiction"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her for her to say those words? Those were the mysteries they were about to solve DEANNS XAVIER WONG (D...