3-A fan letter

218 12 0
                                    

(Mia's fan letter 1)

Para kay Ferdinand o Ferdie ng bandang Ligalig,

Maaring ngayon ko lang kayo nakilala, ngunit labis ang aking paghanga sa inyong talento sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento. Lalo na sa iyo, Ferdinand.

Nakakahiya para sa akin na isa akong babae na gumagawa ng liham para sa isang lalaki. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Sana ay magkasalubong tayo isang araw at makilala ang isa't isa.

Ang iyong lihim na tagahanga

P.S. kung gusto mong ako ay sulatan, maari itong iwan sa bulletin board na malapit sa chem lab, na nasa third floor ng Science Building. I-thumbtack mo na lang ito doon. Magsabi ka rin kung gusto mo akong makita nang personal, at ako ay papayag sa isang pagkikita.

Salamat.

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon