39-Phone Call 1

39 6 1
                                    

(Phone call between Ferdie and Mia, sometime between last week of November to early December)

Mia:
*Picks up the phone*
"Hello? Good evening."

Ferdie:
"Mia, ikaw ba iyan?"

Mia:
"Himala, Ferdinand, napatawag ka dito sa amin. Buti wala mga magulang ko dito."

Ferdie:
"Gusto ko munang magpaalam sa iyo. Bago mag-Pasko ay babalik kami nila Bestre sa underground para sa aming ilalathala na diyaryo."

Mia:
*Nanahimik*


Ferdie:
"Andiyan ka pa ba?"

Mia:
"Ah... Oo. Nagulat lang pero naalala ko na sinabi ni Alma sa akin dati ang tungkol diyan. Payag ako, basta mag-iingat ka."

Ferdie:
"Susubukan kong bumalik nang buhay para lang sa iyo."

Mia:
"Oo, alam ko iyon. Pero...may problema ako."

Ferdie:
"Ano iyon?"

Mia:
"Sila Papa, ipapakilala ako sa anak ng kakilala nilang doktor. Magkikita kami sa isang restaurant sa darating na Linggo. Mukhang alam ko na gusto nilang mangyari, ang magkamabutihan kami para mauwi sa kasalan."

Ferdie:
"Sumunod ka na lang sa kagustuhan nila. Baka kung magkilala kayo ng binatang iyon, makagawa ka ng paraan para baguhin ang kanyang isipan."

Mia:
"Di ka nagseselos?"

Ferdie:
*Natawa*
"Nasusunog na ako sa selos na ako ngayon pa lang! Pero may tiwala ako sa iyo na magagawan mo ng paraan para makaalis sa gusto nilang mangyari. Siguro sa ngayon, huwag muna tayong pahalata sa relasyon natin."

Mia:
"Sus, panay holding hands tayo sa campus tuwing magkasama!"
*Natawa*

Ferdie:
"Sa Lucky's Canteen lamang tayo gumagawa ng public display of affection. Pero gawin mo ang sinasabi ko. Makaaasa ako at magtitiwala sa iyong kakayahan, aking binibini."

Mia:
*Natawa*
"At alam kong babalik ka nang buhay. Mahal kita, huwag mong kalimutan."

Ferdie:
"Mahal din kita. Dalawang linggo ako mawawala pagdating ng Christmas break. Susubukan kong tumawag sa iyo kung nasaan man ako o sumulat man lang. Kapag wala ang mga pinangako ko, sana di dahil sa may nangyaring masama sa akin."

Mia:
*Nanahimik*

Ferdie:
"Tanggapin mo ang katotohanan na parte ito ng aming pamumuhay. Kapag nangyari ang di-inaasahan, ipangako mong magpapatuloy kang mabuhay at humanap ng bagong mamahalin."

Mia:
*Humikbi*
"Tigilan mo nga iyang mga pananalita mo! Ayan, naiiyak na ako! Basta, babalik ka nang buhay dahil naghihintay ang mahal mo."

Ferdie:
*Natawa*
"Oh siya, goodnight na. Basta mahal kita."

Mia:
"Mahal din kita, Ferdinand Beltran! Babalik ka nang buhay, ipangako mo iyan!"

*End of conversation*

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon