(Mia's diary entry 2)
Isang linggo na ang lumipas, ngunit walang tugon sa akin si Ferdinand. Nabasa kaya niya ang aking liham? Sulatan ko kaya siyang muli?
(Mia's fan letter 2)
Para kay Ferdie,
Nabasa mo ba ang aking liham para sa iyo? Dumaan ako sa bulletin board sa labas ng chem lab ngunit wala man lang akong nakita.
Pangalawang liham ko na ito, at sana ay matugunan mo ang aking bilin. Isa lang akong hamak na tagahanga, gaya ng ibang mga babae dito sa unibersidad, ngunit naiiba ako sa kanila na kaya kayong lapitan. Di ko kayang harapin ka ngayon kaya dinadaan ko na lang ito sa pagsusulat.
Aabangan ko ang iyong tugon.
Umaasa,
Binibining M.
(Oo nga pala, paborito ko ang awitin ng Rainmakers na "Binibini".)
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historische Romane"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...