73-Ang tiyahin ni Ferdie

27 3 0
                                    

(Mia's diary entry 37)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Mia's diary entry 37)

Wednesday, April 20, 1977



Maiksi lang ang aking isusulat.



Nagpunta kami ni Ferdie sa Escolta noong Sabado para bumili ng regalo sa kanyang tiyahin. Ako ang pumili ng isang blusa.



April 19, Martes, nagpunta ako sa apartment nila Ferdie para makilala ang kanyang tiyahin. Inabot ko sa kanya ang aming regalo at binati siya ng happy birthday.



Buti mabait ang kanyang tiyahin at agad akong niyakap nang ipakilala ako ni Ferdie bilang nobya. Nagustuhan niya rin ang aming regalo at doon na rin ako naghapunan. Spaghetti, barbeque, at cake ang handa. Silang dalawa lang ang nasa bahay.



Nabanggit ko naman ang aking pamilya sa tiya ni Ferdie. Nagulat siya na may kaya ang aking angkan ng mga doktor, ngunit nalungkot din nang malaman niya na hindi kami palaging magkakasama, gawa ng abala pareho ang aking mga magulang.



Sabi ng kanyang tiya, ituring na rin niya akong pamilya. Napayakap na lang ako sa kanya at nagpasalamat. Siyempre, nakisali rin si Ferdie sa aming pagyayakapan.



"Bumalik ka, hija. Ipaghahanda kita ng masarap na ulam," pangako niya sa akin bago ako umuwi.



Ngumiti na lang ako sa kanya. Hinatid ako ni Ferdie sa aking kotse at nagpaalam kami sa isa't-isa.



Umuwi akong masaya ang kalooban. Sana hindi na matapos ang ganitong mga tagpo sa aking buhay; una, kay Ranie na aking kaibigan, at pangalawa, kay Ferdie.



Pero ramdam ko na may malaking bagay na mangyayari, at sa wari ko ay malungkot ito.



Sana mali ang aking naiisip.



Mia

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon