Mga liham sa ama ni Mia na si Simon at ang kanyang tugon dito.Liham 1:
(Written in 1955)
Patring,
Itatakas kita bukas. Abangan mo ako sa may likod bahay. Uminom tayo ng milkshakes sa soda fountain sa Escolta. At magtungo sa photo studio pagkatapos.
Mahal kita,
SimonLiham 2:
(Written in 1956)
Simon,
Salamat sa panahon na magkasama tayo. Ngunit kailangan ko nang kumalas sa iyo sapagka't di ako nararapat na mapabilang sa iyong angkan bilang mapapangasawa mo.
Ako, na isang kasambahay.Sundin mo ang bilin ng iyong mga magulang na pakasalan si Laura, ang anak ng kaibigan ng iyong ama. Nabuntisan ito at may anak na lalaki na siyam na taong gulang. Mas kailangan nito ng ama gaya mo.
Ako ay aalis na sa inyong pamamahay. Hindi ko na kaya pang itago ang ating lihim na relasyon.
Patria "Patring" Ignacio
Liham 3:
Patring,
Mag alsa balutan na tayo. Lalo na nalaman kong pinagbubuntis mo ang ating magiging anak. Wala na akong pakialaman kung mawala ang lahat sa akin, basta tayo ang magkasama hanggang kamatayan.
Simon
Liham 4:
Simon,
Ito na ang aking huling liham sa iyo. Kaya kong palakihin ang bunga ng ating pagmamahalan. Hiling ko na limutin mo na ako at gawin mo ang nararapat
Mahal kita ngunit hanggang dito na lang,
Patring
Newspaper clipping from 1957
Woman found dead at home with a baby girl, said child adopted by a rich doctor
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...