(Mia's diary entry 36)
Monday, April 11, 1977
Wala pa akong balita tungkol kay Ferdie at pati na rin kay Bestre.
Nag-usap kami ni Ranie sa phone at binahagi ko ang aking mga alalahanin. Pareho rin siya ng sentimyento. Kaya ang nangyari, inaya niya ako na mag-overnight sa Hotel Intercontinental Manila.
Natanong ko pa siya kung bakit sa hotel. Natawa na lang si Ranie at sinabi niya na libre niya ito. Kaya sinulit ko na ang pagkakataon at sumama na rin ako sa kanya. Sabi nga niya, para makalimot saglit sa aming mga iniisip.
Sabado, April 9, dumating kami at nag-check in. Na-book namin dalawa ang isa sa mga malalaking kwarto doon. Meron itong king-sized bed, mini bar, isang bathroom na may bath tub at shower, at covered na rin ang breakfast in bed at ang dinner at lunch sa restaurant sa araw ng Linggo.
Pagkatapos namin na mag-check in, inaya na ako ni Ranie na mag-swimming. Nasabi ko na wala akong dalang swimsuit, ngunit buti na lang ay dalawa ang dala ni Ranie. Sa kanya ay 2-piece na all-black bra top at bikini, at sa akin naman ay kulay light blue na 1-piece swimsuit.
Nagpalit kami ng bathing suits at bumaba sa pool area na kapwa nakasuot ng bath robes. Tinanggal namin ito at inilapag sa dalawang magkatabing lounge chairs. Bagay kay Ranie ang kanyang 2-piece swimsuit. Matangkad din siya at maputi, bukod pa doon, nalaman ko na part-time model din siya sa mga fashion shows, ayon sa kanyang nabanggit.
Nag-shower kami at nagbabad sa pool, kung saan kami nag-uusap sa gitna ng aming paglalangoy.
"Naiilang ako na nakasuot ng bathing suit kahit one piece," wika ko kay Ranie. "Di ako pala-swimming kahit sa beach."
"Baka mas lalo kang mailang kapag nakita ka ni Ferdie," biro nito.
"Wala yun, nakita na nga namin ang mga katawan ng isa't-isa," ngisi ko sabay dive. Nang inangat ko ang aking ulo, nasa gilid ng pool si Ranie at natatawa.
"Natatawa ka pa rin sa sinabi ko kanina," kinurot ko tuloy ang ilong niya.
"Wala kang preno kung magkwento," pinaikot ni Ranie ang kanyang mga mata.
"Baka kapag si Bestre ang makakita sa iyo ngayon, lumuwa ang mga mata niya at uminit ang katawan," halakhak ko.
"Ibahin na natin ang topic!" Pagsisita ni Ranie sa akin. Halata ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa aking biro. "Sana lang maayos ang kalagayan nilang dalawa," pagtukoy niya sa aming mga nobyo.
"Huwag kang mag-alala, uuwi silang ligtas."
Pagkatapos namin maglangoy sa pool, iyon na ang huling beses na napag-usapan namin sila Ferdie at Bestre. Pinilit kong iwasan ang paksang iyon at sa halip, sinabihan ko si Ranie na mag-enjoy na lang ngayong araw.
Buti nag-enjoy kami sa hotel. Kinagabihan ay kumain kami ng hapunan sa resto at nanood ng concert ng isang tanyag na pianista. Mahimbing kaming nakatulog sa malaking kama sa aming kwarto.
Kinabukasan, dumating ang aming breakfast in bed. Namalagi lang kami sa kwarto at nanood ng TV.
Nag-lunch din kami noong tanghali at nag-check out pagkatapos.Buti ay nagkaroon kami ng time bilang magkaibigan. Mas nakilala ko si Ranie. Mas madaldal ako sa kanya at ako ang nagsisimula ng usapan. Mas magaling siya sa pakikinig at marunong din sumakay sa biro. Pero may bakas ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Siguro nag-aalala lang siya para kay Silvestre.
Sana umuwi na silang dalawa, ang aming mga nobyo.
Naghihintay pa rin,
Mia
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...