65-Nabunyag na Katotohanan

28 3 1
                                    

(Narrative)

"Ano ito?"



Walang pakundangan na pumasok si Mia sa study room ng kanyang ama. Buti na lang at narito ito ngayon at kausap ang kanyang asawa.



Inilapag ni Mia ang mga larawan at liham sa lamesa, sa harapan mismo ng kanyang ama. Namutla ito sa nakita, halata na alam na niya kung ano ang mga liham at larawan na ito.



Tumayo ang ina ni Mia na si Laura at pinulot ang isang larawan para usisain ito. Isang mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.



"Simon, mukhang kailangan mo nang ipaliwanag sa iyong unica hija ang lihim na kanyang natuklasan."




Napatingin si Simon sa asawa. Kinagat niya ang kanyang labi at walang maisip na salita para simulan ang lahat ng kanyang nais sabihin.




"Papa, alam ko na ang lahat. Anak ako ni Patring diyan sa larawan. Si Patring, na dati niyo palang kasambahay." Nanginginig si Mia sa bawat sambit ng mga salita.




"Anak ka ng muchacha, sa makatuwid, hija de bastarda."



Sinalubong ni Mia ng tingin si Laura. Dama niya ang pagkamuhi sa mga salita nito. Ngayon alam na niya na hindi niya ito totoong ina.



"Laura! Ang pananalita mo, ayusin mo!" Sigaw ni Simon dito. Napaurong si Laura at naupo sa tabi sabay halukipkip.



"Kaya hindi ko magawang mahalin ang batang iyan, anak siya sa katulong ng mga Fortes dito. Namatay ang muchachang iyon mula sa matinding kalungkutan pagkatapos kang ipanganak. Natagpuan ng iyong ama ang kanyang tahanan sa probinsya at inampon ka. Samantala, pinakasalan ako ng iyong ama dahil pinagkasundo kaming dalawa. Ngunit may anak ako sa pagkadalaga. Mainam ang nangyari para itago ang mga  kamalasang naganap sa aming dalawa. Ayan, naipaliwanag ko na."





Pilyang ngumiti si Laura sa mag-ama. Itinago ni Mia ang lahat ng kanyang nararamdaman ngayon na pagkadismaya at poot, lalo na sa kinikilalang ina na si Laura.




"Kaya pala. Kaya pala ang layo ng loob mo sa akin sa simula pa lang."




Napalugok si Mia at pinigilan umiyak. Ngunit agad umagos ang isang patak ng luha sa kanyang kanang mata.




"Anong pakiramdam ng hindi minamahal? Para lang iyan ang ama mo sa akin. Pinipilit namin magkaanak sa loob ng maraming taon, ngunit wala man lang nagbunga," panunumbat ni Laura.




"Laura! Tama na! Lumabas ka na sa kwartong ito, ngayon din!" Napatayo si Simon para bulyawan ang asawa.




Umismid si Laura at walang salita na iniwan ang mag-ama.




Nang makaalis na ito, pinalis ni Mia ang kanyang mga luha. Agad itong niyakap ng kanyang ama.




"Patawarin mo ako at matagal ko itong tinago sa iyo. Hindi ko lang gusto na masaktan ka sa oras na malaman mo ang lihim ng ating pamilya."




"Hindi ko kayo masisisi," Hikbi ni Mia. "Gusto mo lang ako protektahan. Gusto mong isipin ko na perpekto ang ating pamilya. Tanggap ko ang katotohanan kahit na masakit."



Hinayaan lang ni Simon na umiyak ang kanyang anak na si Mia.



"Papa, magiging doktor ako balang araw. Para hindi na ako laitin ng iyong asawa. Hindi ko naman siya totoong ina," natawa ito.



"May tiwala ako sa iyo, anak." Niyakap pa ni Simon ang dalaga.



"Hindi masama ang loob ko kay Kuya Wency. Minsan miss ko lang siya, pero naiintindihan ko naman," ika ni Mia sa ama.



"Tawagan natin, lumabas tayo bukas sa ice cream parlor," pag-aaya ng ama.



"Talaga po?" Buti ay nakangiti na si Mia sa mga oras na ito.



At tinupad nga ni Simon ang pangako sa anak. Nag-ice cream parlor sila kinabukasan kasama ang kuya ni Mia na si Wency.



Nabanggit din ni Mia na alam na niyang stepbrother niya si Wency. Ngunit natawa na lang ito at sinabi na kahit anong mangyari ay kapatid pa rin ang turing niya sa dalaga.





A/N: akala ko light lang magiging takbo nito at sa huli pa ang heavy drama lol. Ito na simula ng heavy drama hehe

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon