29-Summer Break

47 6 0
                                    

(Mia's diary entry 13)

Pasensiya na aking diary at ngayon lang ako nakapagsulat muli. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang ako'y nagkaroon ng entry dito.

Sa dalawang buwan na iyon, marami ang naganap. Summer break kami ngayon at nandito lang ako sa bahay, nagbabasa ng mga nobela, nagpapahinga, at nakikinig ng musiko sa radyo o kaya ng mga plaka sa record player na nasa aking kuwarto.  Gusto kong lubusin ang bakasyon na ito dahil second year college na ako sa Hunyo, at mas marami pang magiging subjects na pag-aaralan.


Minsan ay kumakain din kami sa labas ng aking pamilya. Wala naman napapansin ang aking mga magulang, at buti na lang ay di sila palatanong gaya ng dati. Nakatulong na nasa Dean's List ako noong last sem at mukhang kontento sila sa akin bilang estudyante.


Mula nang mag-date at maging kami ni Ferdie, nagpapalitan na kami ng mga sulat, o kaya naman ay tumatawag siya dito sa amin. Huli kong balita sa kanya, umuwi muna siya sa probinsya nila at doon nagbakasyon. Di siya nakatawag ng mga panahong iyon, kaya nag-alala ako sa kanya.


Ngunit kanina lamang, tumawag dito si Ferdie at inaya ako magpunta sa Luneta sa darating na Sabado.

Siyempre, pumayag ako sa kanyang pag-aaya.

Mia

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon