26-Regalo

51 7 0
                                    

(Mia's diary entry 11)

Isang linggo pagkalipas ng band praktis, dahil ngayon ko lang naisip isulat ito.


Bago umalis sa bahay nila Jepoy ay binigyan ako ni Ferdie ng isang lukot na papel. Nakatupi naman ito at agad ko itong binulsa.


"Iyan ang mga salita ng aming inawit kanina," paliwanag niya sabay tago ng kanyang ngiti. "Mamaya mo na basahin 'pag nasa inyo ka na."


"Bakit mamaya pa babasahin? Pagtataka ko.


"Basta, mamaya na," giit ni Ferdie.


Sabik akong naghintay ng pagkakataon. Nakauwi ako at tahimik na naghapunan mag-isa, dahil nasa function daw ang aking mga magulang at kuya, ayon sa aming mayordoma.


Nang ako ay nakapag-ayos na para matulog at nasa loob na ng aking kwarto, agad kong dinukot sa bulsa ng aking maong pants ang papel na binigay sa akin ni Ferdie.


Nakakatuwa na binigay niya sa akin ang mga letra ng kanilang awitin, at sa bandang dulo, may dinagdag na hiling si Ferdie na siyang dahilan ng ngiti ko sa labis na kagalakan.

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon