(Phone call between Ferdie and Mia, Friday night, January 28, 1977)
Ferdie:
Hello?Mia:
Ay! Hello! Naku, gusto mo na bang marinig ang aking kwento?Ferdie:
Sige, sabik na akong marinig ang reaksyon ni Bestre.Mia:
Gaya ng sinabi mo, dumaan ako sa Room 205 nang malapit na ang alas-dose ng tanghali at sumilip doon. Kasalukuyan silang nagkaklase pero mukhang patapos na ito. Naisipan kong mag-ladies room at para na rin maabutan ko si Bestre, kung dadaan man siya.
Ferdie:
At dumaan nga siya?Mia:
Oo! Pagkalabas ko, kakalabas lang din niya sa Men's CR. Binati ko siya at ningitian. Bumati naman siya pabalik at matipid na ngumiti sa akin. Sa labas kami nag-usap. Tinanong niya muna ako ng tungkol sa iyo, akala niya, break na tayo. Pero sabi ko, hindi. Lie-low lang pero malapit na tayong magkita.Ferdie:
Sa Valentine's Night na talaga tayo magkikita. Sabik na akong makapiling ka.Mia:
Ako rin. Ay, itutuloy ko na ang naging usapan namin ni Bestre.
Sabi ko, Malapit na ang Valentine's Night ah. February 11 daw, Biyernes iyon.
Sabi niya: Oo, tugtugtog kami nila Jepoy at Ferdie bilang opening act. Abala kami sa pagpa-praktis. Panoorin mo kami ah.
Sumandal ako sa pader at tumugon ng, Wala ka bang date sa gabing iyon?
Doon na umasim ang kanyang mukha at napaiwas ng tingin sa akin. Anong date? Wala akong gustong makasayaw.
Ferdie:
*Natatawa*
Anong tugon mo?Mia:
Sumandal ako sa pader at pinaikot ang dulo ng aking buhok, sabay wika ng May dalawang linggo ka pa para humanap ng date. Andiyan si Rania Miranda, sabi ni Alma sa akin nang makasalubong ko, magkaibigan na raw sila.Siyempre nagalit ang loko! Muntik nang napataas ang boses. Bakit ba lahat kayo, pinipilit akong mapalapit sa babaeng iyon?!
Ferdie:
*Tuluyan nang natawa at di na makasagot sa kabilang linya*Sige, Cara Mia... ituloy mo lang!
Mia:
Kwento raw ni Ferdie, lagi ka raw humahabol ng tingin doon.Tumanggi si Bestre. Hindi raw.
Ferdie:
Mabibilang ko ang mga pagkakataon na nagsasalubong sila ng landas at si Bestre ang unang sumusulyap kay Rania!Mia:
Tumugon nga ako sa kanya ng, Halika, patunayan mo sa akin na di mo siya gusto.Bakit ko pa kailangang gawin iyon? Protesta niya.
Wala na akong sinabi pa. Hinatak ko na lang siya at dinala sa labas ng building nila Rania, sa may college of business and commerce. Pinaupo ko siya sa may mga hagdan sa tabi ko. Napilitan siya at habang nakaupo kami, wala pang limang minuto ay bumababa na si Rania Miranda!
Ferdie:
Ang pagkakataon nga naman!Mia:
Oo! Nakita ko kung paano napalingon si Bestre sa kanyang direksyon. Parang automatic lang. Nakasuot si Rania ng kulay dilaw na sleeveless dress tapos may handbag. Di niya kami nakita sa gilid, pero kita namin siyang bumababa galing sa loob ng building.Nanahimik lang si Bestre sabay komento ng Bakit ba kasi nandito iyan?
Ferdie:
Sobrang apektado siya kamo! *Natatawa*Mia:
Napaamin ko si Bestre. Tinanong ko, Anak-mayaman din naman ako, pero di mo ako nilalait kompara kay Rania.Sumagot si Bestre ng, Di ka kasi mayabang at chicks ka ni Ferdie.
Anong pruweba mo na mayabang siya? Nilait ka ba niya nang harapan? At bakit ka naiirita sa kanya kung wala siyang ginagawa laban sa iyo? Tanong ko.
Ferdie:
Anong sagot ng ating mabuting kaibigan?Mia:
Ito sabi niya:Naiirita ako dahil kahit saan ako magpunta, siya ay aking nakikita. Para bang kusang pinagkukrus ang mga landas namin. At nang maabutan ko siyang nakikinig sa labas ng classroom habang umaawit kami nila Ferdie at Jepoy sa loob, nagkasagutan kami. Hinarap ko siya at masusing tinignan at sa di malamang kadahilanan, nais kong humalik sa kanya. Para lang makumpirma kung nagkakagusto ba ako sa kanya o hindi.
Sabi ko, Kahit di ka humalik doon, gusto mo siya.
Ferdie:
Sana nandoon ako kasama niyo!Mia:
Mas mabuti ngang di ka kasama dahil hindi ko siya mapapaamin. Pagkasabi ko ng huli kong kataga, sumagot siya ng, Oo, gusto ko siya. Pero hindi pwedeng magpang-abot ang aming mga mundo at labag ito sa aking prinsipyo.Ferdie:
Hay, Silvestre *buntong- hininga*Mia:
Pinayuhan ko siya. Umamin ka na sa Valentine's Night. Para mawala na ang bigat ng kalooban mo. Kung tanggihan ka niya, nagawa mo na ang parte mo. Kung gusto ka niya, mabuti. Walang kasiguraduhan ang pag-ibig. Pero mas mabuti nang ipahayag ito kaysa magsisi.Ferdie:
Matalinhaga na ang aking mahal.Mia:
Salamat sa iyo! *Natawa*
Sige, balitaan mo na lang ako sa mga liham mo. At magkikita-kita tayo sa Valentine's Night.Bye Ferdie! Love you!
Ferdie:
Goodnight. Ti amo cosi tanto, aking mahal.(End of conversation)
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historická literatura"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...