(Mia's diary entry 23)
Saturday, January 8, 1977
Gaya ng pinangako, kumain kami ni Papa sa labas.
Inaya ko ulit siya sa New Europe Restaurant dahil gusto ko ulit matikman ang hamburgers nila. Buti pumayag ito at napadami kami ng kain.
Nagtungo rin kami sa isang supermarket at pumayag siya na bumili ako ng cookies at chocolates.
Natapos ang araw at naupo kami sa may tabi ng Manila Bay.
Naitanong ko kay Papa kung ipapakilala ba niya muli ako sa isang binata, pero natawa lang ito at tumanggi.
Hindi na ako nagsalita pa. Ayoko na masira ang aming oras na magkasama, dahil bibihira itong mangyari.
Siya nga pala, isang linggo na at di ko nakikita sila Ferdie at Bestre sa unibersidad.
Sana di nangyari ang aking kinatatakutan.
Mia
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...