(Mia's diary entry 31)
Thursday, February 24, 1977
Kinuha ko ang malaking album na nakatago sa attic.
Puro lumang larawan lang ni Papa mula pagkabata hanggang sa maka-graduate ito sa med school at naging ganap na doktor.
Hinanap ko kung may wedding photo ba sila ni Mama. Dapat meron iyan, pero wala.
Lumapit ako sa aming mayordoma at tinanong kung may wedding photo ba sila Mama at Papa. Namutla ito at hindi makasagot.
"Wala po akong nakikitang wedding photo nila mula pagkabata. Baka may alam po kayo," ika ko.
"Mia, hija, pasensya ka na at di kita masasagot diyan sa tanong mo."
Basta na lamang umalis itong si Manang at di na ako nilingon.
Bumalik ako sa attic para itago ang photo album ni Papa. May nasipa ang paa ko at nang yumuko ako, isa itong kahon selyado. Maliit lang ito at sa ibabaw ay may nakasulat na salita:
"Recuerdos de amor"
Sa mga sandaling iyon, agad kong kinuha ang nasabing kahon at dinala ito palihim sa loob ng aking kwarto.
Mia
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...