77-Enrollment

22 4 0
                                    

(Mia's diary entry 40)

Tuesday, May 24, 1977


Ayon sa aking schedule, puro major subjects na ang third year. Araw-araw ay may pasok.



Buti wala akong klase ng Sabado.



Nagkita kami nila Ferdie sa school. Pinakita ko ang aking schedule at sabi niya, huwag kaming magbe-break dahil dito. Natawa na lang ako at pabirong pinalo ang list of schedule sa ulo niya.



Nilibre niya ako sa fast food pagkatapos nito. At dito na niya sinabi ang kanyang ibabalita.



"Sa Hulyo ay aalis na kami ni Bestre sa unibersidad. Magtatago kami sa isang safe house sa Mindoro na inilaan para sa aming grupo. May bali-balita na hinahanap na ang mga miyembro namin."



"Konektado ba kayo sa biktima ng salvage sa Quezon City? Nabasa ko ito sa isang pahayagan."



Nagtiim-bagang si Ferdie.  "Allen Ruiz ang pangalan niya. Oo, siya yung sinalvage at natagpuang bangkay sa Quezon City. Taga ibang grupo siya ng underground writers."



Nagkaroon din siya ng pangalan.



Hinawakan ko ang kamay ni Ferdie at pinisil ito. Lahat ng aking nais sabihin ay naglaho sa aking isipan. Lahat ng aking takot, pangamba, at pag-aalinlangan ay buhol-buhol na mga sinulid na gumagapos sa akin ngayon.



Kung titigil man sila sa kanilang ginagawa, baka mapahamak sila pati ang kanilang pamilya, lalo na ang tiyahin ni Ferdie.



Mas mabuti pa siguro na mag-drop muna sila sa school at magtago sa malayo.



"Paano kung hindi ka na bumalik?" Bigla kong tinanong.



Lumugok si Ferdie.



"Magpatuloy ka sa iyong buhay. Humanap ka muli ng mamahalin, hindi yung kagaya ko na maaring ilagay ka sa alanganin. Maging mahusay kang doktor. Ngayon pa lang ay naiisip ko ang mga kaya mong gawin. Ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na kita, Cara Mia."



"Hindi ko kaya iyon kung wala ka," tugon ko.



"Kaya mo iyan, Mia. Ipinapaubaya ko na sa kapalaran ang ating kahihinatnan. Kung mabuhay ako nang matagal, ayos. Kung tuluyan tayong paghiwalayin ng tadhana, baunin mo lang ang masasayang alaala."



Tuluyan na akong lumuha. Tinabihan ako ni Ferdie at binalot ako sa isang mahigpit na yakap.

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon