38-You and me against the world

44 5 0
                                    

A/N: mature content ahead

(Mia's diary entry 20)

Two weeks later


Nakakapanibago ang aking nadarama nitong mga nakaraang araw.


Hindi namin pinag-uusapan ni Ferdie ang naganap sa amin sa kanyang apartment, pero ramdam ko na medyo naiilang kami sa isa't-isa habang magkasama. Dalawang linggo na ang dumaan mula nang mangyari iyon, pero napapansin ko na mas tahimik ang aking nobyo habang ako naman ang mas nagsasalita para gumaan ang tensyon na namamagitan sa amin.


"Parang ang tahimik mo masyado," kalmado kong winika habang kami ay nakaupo sa gilid ng university lagoon.


Matipid siyang tumawa. "Wala ito, iniisip ko lang ang naging finals natin. Di ako nakapag-review," ika niya.


"Nagsisisi ka ba at may nangyari na sa atin?" Tanong ko.


Agad sumulyap sa akin si Ferdie. "Hindi. Pero bigla akong nag-alala at baka magbunga iyan."


"Hindi. May ininom akong morning after pill para mapigilan ito," ngisi ko. "Turo sa akin ng isa kong kakilala sa klase."


"Pilya ka talaga," kinurot ni Ferdie ang ibabaw ng aking ilong at tuluyan na akong natawa. "Unang beses ko iyon, ikaw kasi, pasimuno."


"Unang beses ko rin naman iyon, at buti ay sa iyo ko ito binigay." Nagmamalaki akong ngumiti sa kanya.


"Kapag nalaman iyan ng magulang mo, tiyak na malilintikan ka," paalala ni Ferdie.


"Busy nga sila, hanggang ngayon ay di pa nila nahahalata na tayo na. Uuwi ako sa amin, mag-isa akong maghapunan at pupunta sa sarili kong kwarto. Kapag gigising ako sa umaga, wala rin sila. Kapag Sabado at Linggo, may kung anong lakad o function na pinupuntahan. Minsan naman dumadalaw sila sa apartment ng kuya ko para mas makasama siya. Kaya may mga panahon na di ko mapigilan na maghanap ng pamilya o kaibigan sa labas ng aking tahanan," kwento ko.


Tumango na lang si Ferdie. "Wala na akong mga magulang. Pumanaw si itay sa isang aksidente noong sampung taon gulang pa lamang ako. Si inay naman, pilit akong itinaguyod bilang tindera sa palengke. Ngunit nagkasakit at namatay ito tatlong taon na ang nakalilipas. Kaya kasama ko tiyahin ko sa bahay, kapatid kasi siya ng aking ina. Di man lang ako naabutan ni inay na nasa college na ako."


"Kapwa pala tayo naghahanap ng pagmamahal," tugon ko habang nakatingin sa malayo. "Kahit galing ako sa mayamang angkan, di ko nararamdaman na mahal nila ako. Aanhin ko maraming pera kung walang pagmamahal sa buhay ko?"


Kinuha ni Ferdie ang aking kamay at hinawakan ito. "You and me against the world tayo. Maligalig ang ating mga puso sa gitna ng magulo nating mundo."


"In the midst of the loneliness and uncertainty, our restless hearts found each other," tugon ko na may matamlay na ngiti sa aking mga labi.


Hanggang kailan kaya ito magtatagal? Hanggang kailan kaya mananatili ang aming pag-iibigan sa gitna ng magkaiba at kapwa masalimuot naming mga daigdig?


-Mia

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon