14-Pagkasabik

95 9 2
                                    

(Mia's diary entry 6)

Ngayong gabi, labis ang aking kaba at pagkasabik.


Gustong makipagkita ni Ferdinand sa labas ng university radio station bukas ng tanghali.


Handa na akong gawin ito. Tama siya, nakakapagod magpabalik-balik sa garden at hanapin ang mga liham niya sa butas ng punong iyon.


Usap-usapan ngayon sa buong campus ang pagkatao ng misteryosong si "Binibining M." Maraming haka-haka kung sino ito, mula sa campus beauty queen namin hanggang sa anak ng isa sa mga school officials dito.


Lahat sila ay magagandang mga babae at dahil sikat ang bandang Ligalig, nagkakandarapa sila para sa atensyon ng mga miyembro ng banda.


Kahit kilalang maporma ngunit mayabang ang mga binatang iyon, di maikakaila na lahat sila ay may talento at itsura. Sa katunayan nga, tsismis ay may pinopormahan na dalaga si Jeffrey o Jepoy sa amin. Di ko lang kilala kung sino ito.

Humanda kayo, makikita niyo na ang totoong "Binibining M."

Makatulog na nga. Sana maging maayos ang una naming tagpo ni Ferdinand.

-Mia

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon