62-Payo

23 3 0
                                    

(Mia's diary entry 30)



Tuesday, February 22, 1977



Naikwento ko kay Ferdie ang aking narinig na usapan mula sa aking mga magulang at ang aking hinala.



"Hindi kaya ampon ako?" Pagmumuni-muni ko sabay buga ng usok pagkatapos humithit ng sigarilyo. Nasa rooftop kami ng isang building sa school habang kami ay nag-uusap.




Nanahimik si Ferdie at kumunot ang noo habang nag-iisip. "Siguro, kailangan mo silang tanungin tungkol diyan."



"Pareho ngang abala sa pagiging mga doktor," sagot ko.



"Nakakausap mo ba ang kuya mo?" Tanong ni Ferdie.



"Dati, close kami. Pero mula nang maging doktor na ito, halos di na kami nagkikita. May sariling apartment kasi ito," ika ko.



"Ikaw lang makakasagot niyan," wika ni Ferdie. "Pwede kang magtanong sa mga kasambahay mo na matagal nang naninilbihan sa inyo, o kaya, alamin mo ang totoo. Pero ang tanong, handa ka ba sa iyong malalaman?"



Natulala ako. Tinapos ko na ang aking paninigarilyo at tinapon ito sabay apak sa natirang upos.



"Ferdie, mukhang kailangan ko nang malaman ang lihim ng aking pamilya."

Mia

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon