78-PDA

23 3 0
                                    

(Mia's diary entry 41)

Friday, June 17, 1977

First week pa lang ng pasukan, assignments at research work agad ang bumungad.



Siguro ganito lang talaga ang pagiging third year college student.


Nagkita kami nila Ferdie noong Miyerkules. Nagmerienda lang kami sa canteen noong hapon.



Pabulong kami nag-uusap.
Tinanong ko kung alam na ni Ranie ang balak nilang pag-alis. Ayon kay Ferdie, di pa raw naikukuwento ni Bestre ang tungkol dito.



Wala kaming gaanong pinag-usapan. Tama na ang katahimikan na namumutawi sa pagitan naming dalawa.



Bago ako umalis, ito ang bilin ni Ferdie:



"Mag-aral kang mabuti. Mahal kita, alam mo iyon."



Kahit naglalakad kami sa lane na may mga puno sa tabi, hinarap ko si Ferdie at nagnakaw ako ng halik sa kanya.



Natawa lang siya at sinabing, "Magandang plano pala ang pag-alis ko dito, may public display of affection itong syota ko oh!"



"Batukan kita diyan!" Natawa na rin ako, sa wakas. Nauna na akong maglakad sa kanya at iniwan siyang tumatawa.



Ngunit nang nilingon ko si Ferdie, tumakbo siya papalapit sa akin at binalot ako ng yakap mula sa likuran.



Humalik siya saglit sa aking leeg. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa ako na ang unang kumalas at naglakad papalayo.



Hindi ko na siya nilingon pa. Nang maisip ko ang aming sitwasyon, tuluyan nang dumaloy ang aking mga nagbabadyang luha.

Restless Hearts | EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon