(Liham ni Ferdie kay Mia)
Cara Mia,
Kumusta ang finals week? Sana maayos kang nakasagot sa iyong mga eksamen. Ako naman, nag-cram dahil nakalimutan kong mag-review.
Bakasyon na pero naiisip kita na hindi na tayo magkikita pansamantala.
Kung libre ang iyong oras, maari ba kitang ayain sa bahay nila Jepoy sa unang linggo ng Marso? May praktis kami doon para sa aming gig. Sa Cubao lang ang tirahan niya at di ka maaabala sa pagpunta.
Aantayin ko ang iyong sagot.
Ferdie
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...