(Mia's diary entry 22)
January 1, 1977, Sabado, 1:30am
Happy new year!
Andito lang ako sa kwarto at nagkukulong pagkatapos ipagdiwang ang Bagong Taon kasama ang aking pamilya at ilang mga kamag-anak. Kumain kami ng media noche at nag-ilaw ng fountain at sparklers. Pagsapit ng hatinggabi ay nagbatian kami ng Happy New Year.
Buti andito ang paborito kong tiyahin kasama ang pinsan kong babae. Lumipad sila galing Davao. Kahit na halos di kami nagkikibuan nila Mama at Kuya, niyakap naman ako ng tiyahin na ito, na kapatid ni Papa.
Huling dumating si Papa sa hapunan, kaya tinutukso siya na inubusan na namin siya ng handa.
Bago matapos ang gabi, kinausap ako ni Papa. Natutuwa siya sa aking mga grado sa school, at inaya pa akong kumain sa labas sa susunod na Sabado. Napayakap ako tuloy sa kanya at pumayag ako.
Malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Mama, pero mukhang gustong mapalapit muli ni Papa sa akin.
Sana maibalik ko ang mga araw ng aking pagkabata, na palagi kaming namamasyal ni Papa at lagi kaming nag-uusap. Mas malapit si Papa sa akin. Hindi ko maalala na naging ganito kami ni Mama. Minsan iniisip ko kung nanay ko ba ito o hindi.
Makatulog na nga.
Mia
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Historical Fiction"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...