(Narrative)
Hindi mapakali si Ferdie sa labas ng opisina ng university radio station.
"For our first song this afternoon, here is a hit from the Rainmakers! Alay ito ni Ferdie Beltran sa kanyang espesyal na tagahanga. Magpunta ka na dito sa labas ng university radio, at hinihintay ka na ng iyong prinsipe, Binibining M!"
Alas dose na ng tanghali at nagsimula nang patugtugin ng DJ ang kanyang song request na "Binibini". Nagkukumpulan na ang mga estudyante sa paligid at inaabangan ang paglabas ng misteryosong si Binibining M.
Luminga-linga si Ferdie, umaasang may sisipot na dalaga sa kanyang harapan.
"Siya ba iyon?"
"Uy, padaanin niyo sa gitna si Binibining M!"
"Andito na siya? Sino?"
"Ferdie! Siya ata iyan oh, naglalakad patungo sa iyo!" Biglang tapik sa kanya ng isang binata sa gilid.
Lumingon si Ferdie at totoo nga, may dalagang papalapit nang papalapit sa kanya.
Para itong slow motion sa pelikula. Hindi na pinansin ni Ferdie ang mga bulungan at excited na mga tao nang makita ang isang dalaga na mas maliit sa kanya nang kaunti. May kapayatan ito, maputi, nakapuyod ang buhok, at suot ang isang pre-med uniform na kulay puting blusa at palda.
Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Abot ito hanggang sa marikit niyang mga mata.
Kung siya si Binibining M, aba, kay ganda niya pala.
Napalugok sa kaba si Ferdie, lalo na nang harapan na silang nakatayo.
"Di ba si Mia Fortes iyan, yung anak ng mayamang doktor?" Tanong ng isang usisero.
"Di ko lubos akalaing fan pala siya ng Ligalig! Wais na galawan itong ginawa niya!"
Aba, mayaman daw pala itong si Binibining M.
Inilahad ng dalaga ang kanyang kamay kay Ferdie.
"Ako pala ang hinahanap mong si Binibining M. By the way, my name is Mia Fortes." Mas lalong naging pilya ang kanyang matamis na ngiti.
Nagsigawan ang mga kinikilig na tao sa paligid. Hindi mapigilan ni Ferdie ang matawa at inabot na rin niya ang kanyang kamay.
Kay lambot ng kanyang mga palad.
"Ferdinand Beltran, ang iyong paboritong bassist."
Sa mga sandaling ito, nakapako ang kanilang mga mata sa isa't-isa. Sapat na ang mga ngiti bilang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
Restless Hearts | Epistolary
Fiksi Sejarah"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she discovers a popular band in her university. She develops a crush on one of the band members and beg...